Chapter 12: MLQ?

4.9K 82 2
                                    

Finally. Hahah ang sarap kumanta nung finally ng Ariel. Hahaha. Happy thoughts, Happy life lang muna tayo ukiee??

P.S pag pasensyahan ang mga typos! Labyuuu

Enjoy reading

----

Ara's POV

Kanina pa ko paikot-ikot sa pad ni Nate, pakiramdam ko kasi parang may mali sa mga nangyari kahapon. Kanina bago siya pumasok sa trabaho niya ay nag tanong siya sakin about sa parents ni Aaliyah at di ko alam kung bakit bigla naman siyang naging interesado sa kanila...

Naupo na lang ako at nanood sa T.V, lipat-lipat-lipat hangang sa mahinto ako sa dalawang tao na naghahalikan. Hindi lang basta halikan! Mabilis akong lumingon sa sa paligid ko bago ko napagtanto na ako nga lang pala mag isa sa loob. Ibinalik ko ang atensyon sa t.v at boom wala na silang suot na saplot. Napako ang tingin ko sa pang upo nung lalaki, ang yummy, booty. Parang yung kay Nate lang.

Did I just compare his booty to Nate's?? Agad kong pinatay yung t.v ng magsimula na silang mag talik at magsi-ungolan.. Bakit ba may mga palabas na ganyan!

Pero teka, bagong kasal kami hindi ba? ibig sabihin malaki ang posibilidad na gawin namin iyon. Pero nagawa na naman namin yon dati pa ah! And not just once but ilang beses na nga ba? Mabilis kong ipinilig ang ulo ko sa mga mahahalay na kaisipan.

Napalingon ako sa cellphone ko na biglang nag ring at ng tignan ko kung sino ay nagulat ako sa pangalang nakalagay, My hubby. Teka sino to? wala naman akong natatandaang iniligay ko ito?

"Hello po?" tanong ko dahil nagtataka talaga ko kung sino to...

"Seriously wifey, po? hahaha." he chuckles over the phone. So pinalitan niya pala ang pangalan niya sa contacts ko? Letse bat kinikilig ako!

"Pakielamero mo po. Oh baket?" asik ko para pagtakpan yung kilig ko. Wifey tska Hubby? ang korny lang.

"Kumain ka na? kumain ka na. Pumapayat ka oh, nagluto ako initin mo -"

"Ayokong kumain. Hindi masarap yung luto mo." Putol ko sa sinasabi niya, pano ba naman, daig niya pa yung daddy ko! Plus hindi naman talaga masarap yung luto niya eh!

"Teka paki-ulit nga yung sinabi mo?" tanong niya na may halong inis yung pagkakasabi. Oh bat naiinis to?

"Alin dun?" tanong ko dahil naguguluhan ako kung bat bigla siyang nainis.

"Hindi masarap ang luto ko." he said at sa tingin ko ay naka-kunot noo pa siya habang sinasabi niya iyon.

"Oo, hindi naman talaga. Sa labas na lang ako kakain." sabi ko at akmang ibaba na ang cellphone ko ng magsalita ulit siya.

"tss, edi sa labas ka kumain. K bye!" sabi niya at pinutol na ang tawag. Problema nun? lakas ah. San ba masarap kumain?

"Alam ko na!" agad kong kinuha yung purse ko at mabilis na lumabas.

----

Nate's POV

"Kung sisibangot ka lang dito sa opisina ko Connor, you may now leave." Ethan said bago i-abot sakin yung dokumentong pinapirmahan ko. Teka? hindi namn dapat ako ang gumagawa nito ah? Asan ba yung secretary nito?

"Asan ba yung bago mong secretary? ke bago-bago ang tamad tamad.." sabi ko sabay hablot dun sa mga dokumento at inis na nag lakad palabas ng opisina niya.

"God Connor, daig mo pa ang babaeng may PMS ah! problema mo?" tanong niya at halata namang nagpipigil lang ng tawa. Aba't daig ko pa daw ang babaeng may PMS!

His ways to SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon