Chapter 9: Unexpected

5.7K 77 2
                                    


Super slow UD. Again, I'm really sorry...

P.s: Dun sa mga nagbabasa ng TSBB, ahead po yung timeline ng story nun. Yung scene dito ay before pa umalis si A ...

Enjoy reading!

----

Mallo's POV

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Dapat ay masaya ako. It's my engagement party for crying out loud! Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Maayos naman na ang itsura ko, konting make up lang ang nilagay ko tas sinuot ko din yung damit na nasa box. Maganda yung kulay. Magugustuhan ko sana yung damit na to kung sa ibang occasion ko siya gagamitin. Lumabas nako ng kwarto at nag intay sa sala. Ilang minuto nalang ay magaganap na.Ilang minuto nalang ay makikilala ko nadin siya. Ang lalaking pakakasalan ko.

Napatungin ako sa tabi ko at nakita ang teddy bear na binigay ni Nate. Again, gusto ko nanamang umiyak laya lang inisip ko yung make up ko kaya hindi ko na itinuloy. Instead ay kinausap ko na lang si baby labs.

"hi baby labs! Ang cute cute mo di gaya ng daddy labs mo na wala ng ginawa kungdi pakiligin ako. Ayan tuloy! nahuhu-"

"beeeeep!"

Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Si daddy. Sinensyasan ko siya na wag ng bumaba ng kotse niya, gusto ko na lang din matapos to. I was about to close the door ng mapatingin ulit ako kay baby labs ay sa di malamang dahilan ay bumalik ako at kinuha ito.

"Isasama nalang kita, baka bawiin ka ni Nate eh." sabi ko kay baby labs at lumabas na at sumakay sa sasakyan ni daddy.

"Happy birthday princess! You look gorgeous my princess!" Daddy said. Tumango lang ako at nakita na tumungo siya. Im sorry daddy, hindi ko naman gustong saktan ka kaya lang hindi ko din naman kayang itago na lang lahat ng nararamdaman ko.

Tahimik lang kami sa buong biyahe hangang sa huminto kami sa isang malaking mansyon. Mayaman nga sila. At mas lalo akong namangha pa ng makita ang engradeng paghahanda para sa engagement party na to. Ang daming tao, halos lahat ay mga naka gown at coat. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil hindi ako naka gown, naka pink at silver cocktail dress lang ako na may lace tas may vintage pattern. Eh sa ito yung laman ng box eh.

"Shall we princess?" tanong ni daddy ng hindi ako kumilos sa kintatayuan ko. Papasok ba ko o hindi? Pwede pa naman akong umatras hindi ba?

"If you're having a second thought princess..." said dad ng may worried na tingin sa akin. Worried ba siya na hindi ako magpakasal o worried ba siya sa magiging future ko kung tumuloy ako?

"No dad. Tara na..." I said at nauna ng maglakad sa loob. Kaya pala. Yun nalang ang nasabi ko ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ng mansyon. Hindi biro ang paghahanda sa gabing ito. Halatang ginastusan. Ang hindi ko lang maisip ay kung bakit gusto pa nilang ipakasal ang anak nila sa akin eh samantalang ang yaman yaman naman ng pamilyang to and to think na ipapakasal nila ang anak nila sa akin na ang kompanya ay nasa alanganing sitwasyon na doesn't make sense at all.

"Hi Mr. Johnson. She must be Ara Mallory, your daughter and our future daughter." Sabi nung medyo may edad na babae ng lumapit sa amin. So siya ang nanay nung pakakasalan ko? Hmm. Hindi maitatago ang ganda at yaman sa istura niya. Pero parang familiar yung mata niya... parang...

"Hi hija, No doubt anak ka nga ni Ayanna nagmana ka sa kanya. Ang ganda ganda mo hija!" She said at bigla ako g niyakap at bineso. Wala sa istura niya ang pagiging friendly kaya naman nagulat talaga ako ng yakapin niya ako.

"Sa-salamat po." Yun lang ang nasabi ko dahil bigla akong nahiya sa kanya. May pagla intimidating kasi siyang tumngin pero malayo naman yun sa kung pano siya kumilos.

His ways to SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon