The Lost Chapter: (Part 1)

50.9K 967 80
                                    

Gangster High season 2

THE GANGSTER ROIALTE

lumipas na ang ilang araw at ni isang sandali I didnt dare na iwanan muli si Alexis. I love him so much and I dont want seeing him suffering again.

Kahit na alam kong mali itong ginagawa ko at mas lalo ko syang masasaktan pag pinagpatuloy ko pa ito. Pero ayoko munang isipin ang mga maaaring mangyari.

Gusto ko munang maging masaya kahit ngayon lang, at alam kong si Alexis lang ang makakapagpaligaya saakin.

It was a very rainy afternoon and nandito parin ako sa bahay nila Alexis,Im still taking care of him.

Hindi parin pala ako bumabalik sa condo unit ko o kaya naman sa bahay nila Appa and Umma, alam ko din aaman kasing once na bumalik ako dun ay lalong lalaki ang gulo and I dont want that to happen. Tungkol naman kay Oppa, medyo nawalan na rin ako ng tiwala sa kanya.

After mangyari ang lahat ng ito ay hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko at kung sinong hindi.

"Kelly..." I heard him whispered my name.

Gising na pala sya.

matapos nya akong tawagin ay agad din naman akong lumapit sa kanya.

"Yeah? may kailangan ka ba? tatawagin ko lang si Alliyah." I said sabay talikod. lalakad na sana ako papalayo para tawagin si Alliyah,pero bago ko pa magawa yun ay bigla nalang nyang hinawakan ang kamay ko.

"Please dont go,please dont leave me..." he whispered kaya naman napatigil ako.

bigla nalang kumirot yung puso ko.Ang sakit...Sobrang sakit. kung pwede ko lang baguhin lahat ng pangyayari, nagawa ko na.Pero hindi ee.

Ito ang realidad,ito ang nakatadhanang mangyari.

If only I have the chance, ayoko na syang saktan.

Gusto nang tumulo ng mga luha ko pero pinili kong pigilan ang mga ito. at kasabay nun ay ang dahan dahan kng paglingon sa kanya.

Nakahiga parin sya at halatang pinilit nya lang talagang abutin ang kamay ko na kasalukuyang hawak parin nya hanggang ngayon.

I just flashed him a smile.

" I wont." I said and with that tulunyan na akong humarap sa kanya at umupo sa kama katabi nya.

Halata naman sa mga mata nya na masaya na sya pero hindi na katulad ng dati. Eksakto namang dumating na yung mga maids nila dala dala na yung breakfast nya.

"Ma'am ito na po." sabi sakin nung maid at saka ko naman iniabot yung tray.

"Sige ako na ang bahala sa kanya." and with that kunuha ko na yung tray.

Simpleng breakfast lang naman yung pinahanda ko para sa kanya.

" Hey kumain ka muna." sabay abot ko nung pagkain sa kanya.

"Thanks." He said at saka na sya nagsimulang kumain. Napangiti nalang ako dahil sa nakikita ko. Sana ganito nalang palagi. yung magkasama kami, masaya palagi at yung walang pinoproblema.

nakakainis kasi to g si Alexis e. kahit anong tulak ko sa kanya papalayo at kahit gaano ko sya saktan,paulit ulit syang nagpapatawad at bumabalik saakin.

Ewan ko ba dito. ang dami namang naghahabol na babae sa kanya, ni isa wala syang magustuhan at talagang saakin pa. ang pinaka malas na babae.

Ng dahil sa pagkakatingin ko sa kanya,nagulat nalang ako ng kumulog ng ubod ng lakas.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Sigaw ko at hindi ko namalayang napayapos na pala ako sa kanya. ::>_<::

grabe nakakahiyaaaa!

Napatingin nalang ako sa kanya at nakita ko syang nakatingin din saakin. Hindi ko alam pero ang tagal namin nagkatitigan.

Napansin ko nalang na unti unti na nyang inilalapit ang mukha nya saakin. at pagkatapos nun ay I just felt his lips brushes into mine.

We kissed...

I cant even control myself from kissi g him back. It was like were both hungry for each other .

pero bago pa namin magawa ang mga hindi inaasahan. Bigla nalang syang tumigil sa paghalik at tinitigan lang ako ng pagkatagal.

Yung mga mata nya parang may gustong sabihin... pero nagkamali ako..

kasi bigla nalang syang tumawa. yung pagkalakas lakas na parang wala ng bukas -_-

Teka nga! ano bang problema nito? nakakaloko sya ah -_-#

"HAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga! napaka duwag mo!" he shouted habang patuloy parin sa pagtawa.

Teka! Ako? duwag??

"Sinong duwag ha?? Nako Alexis! kung hindi lang talaga kita mahal! Kanina pa kitang binugbog!!" Sigaw ko sakanya at saka ko sya binato ng unan na nasa tabihan ko.

"Buti nalang talaga mahal mo ko,at alam ko yun hindi mo na kailangang sabihin." He said.

"Heh! Mayabang ka!! akala mo..."

"Kasi kung hindi mo ako mahal,hindi mo naman ako babalikan diba?" he asked kaya naman bigla akong napatigil sa pagsasalita.

Parehas kaming natahimik.

Tama sya, kung hindi ko sya mahal,hindi ko naman sya babalikan. Nako Alexis,kung alam mo lang sana kung gaano kita kamahal!!

Iimik pa sana ako kaso pinigulan na nya ako.

"Tara sa labas.lets enjoy the rain." sabi nya at kasabay nun ay ang pagngiti nya. Pagkatapos nun ay tumayo na sya mula sa kama at nagsimula ng maglakad.Kaya naman naiwan nalang ako dun mag isa.

Napangiti muli ako.Namiss ko to.

Bumalik na ang Alexis na minahal ko ng sobra.

Dali dali akong tumayo at saka ko sya hinabol papalabas,pagkalabas ko naman ng pinto ay agad nyang hinawakan ang mga kamay ko ng sobrang higpit at pagkatapos nun ay sabay kaming nagpakabasa sa ulan.

Naaalala ko noon,ung first time naming ginawa to. ayun ay yung nasa mall kami at wala kaming masakyan pauwi.

sobrang saya namin nun...

kasing saya ngayon.

"waaaaahhhh!!! Alexis nahihilo akooooo!!" sigaw ko. napaka kasi e,ikaw ba naman ang buhatin at iikot.

pagkasigaw ko nun ay agad din naman syang tumigil.

"Im sorry, Im just carried away, sobrang saya ko kasi ee."he said and with that bigla nalang nya akong niyakap ng pagkahigpit higpit

"I love you so much." he whispered in my ears at kasabay nun ay hinalikan nya ako sa noo ko. ang sarap sa pakiramdam ng ganito.

nung naramdaman namin na medyp tumila na,napagdesisyonan na naming pumasok sa loob ng bahay.

agad din naman kaming sinalubong nung mga maids para abutan ng towel.

"Thank you,you make me happy..." I told him.

hindi naman sya sumagot at tanging ngiti lang ang ibinigay nya saakin.

so pagkatapos nun ay dumiretso na kaming kwarto.

pinauna ko na syang maligo habang ako naman ay inihahanda na ang mga damit na isusuot namin.Lumipas ang ilang minuto at natapos na din sya.

this time,its my turn na.Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko ay lalo akong nahilo at papasok palang ako ng bathroom ay medyo nasusuka na ako,and so I did.

bigla nalang akong napasuka sa lababo. Teka,anong nangyayari sakin?

To be continued...

Hi Hello~ Sorry ngayon lang ang update. After 6 months :3 sorry sa waley na update! Umpisa palang naman. And stress ako ngayon kasi akala ko failed ako sa major ko.Haha osige walang may pake. Comment po! Ano kayang nagyayari kay Kelly??

Comment nyo yung mga inaasahan nyo dito sa GHs2 ♥

GANGSTER HIGH 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon