Chapter 14.1 : Second

21.4K 694 174
                                    

Chapter 14: 




Kelly's POV



Maaga ng magising ako. 7:32 am.

agad rin naman akong bumangon sa kinahihigaan ko.



himala at hindi ako ginising ni Gycleff. mas maaga kasi syang gumising kesa saakin. kaya nakakapagtaka talaga.



dumiretso muna akong bathroom para mag hilamos at mag toothbrush.


at matapos yun at lumabas narin ako mula sa kwarto ko.



as always, tahimik ang buong paligid. kung hindi ko lang pamilya ang mga nakatira dito at iisipin ko parang abandonado lang tong bahay at isa lang akong anino na naligaw dito.



Pakiramdam ko kasi ang cold ng trato nila saakin. hindi ko alam kung bakit naging ganito lahat. hindi naman kami dating ganito.



pinagmasdan ko muli ang buong paligid. napakaganda. oo nga't puno ng ginto ang paligid.


mga makikintab na bagay, nakakasilaw. pero bakit ganun, kulang talaga...




pagkababa ko ay nakaamoy ako ng mabango hindi sa kalayuan ng kinatatayuan ko.



nakakagutom tuloy. 



sinundan ko ang mabangong amoy.



hmmm. sa kusina pala nanggagaling. dahan dahan akong naglakad papunta rito at bahagyang sumilip.





napangiti nalang ako ng dahil sa nakikita ko.




si Steven nakasuot ng apron habang si Gycleff naman at nakatayo sa upuan at patuloy ang paghalo sa tinimpla nyang gatas.




nakakatuwa talaga silang panoodin.






"Hey." sambit ko at saka lumabas mula sa pagkakatago ko sa kabilang pader.


GANGSTER HIGH 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon