Chapter 6: Masquerade

19.9K 636 26
                                    

6:

Kelly's POV

dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

madilim na ang paligid tumingin ako sa lalaking nakahiga sa sofa hindi kalayuan sa kinahihigaan ko.

si Steven. ang himbing ng tulog nya.

agad akong tumayo ng makaramdam ako ng gutom.

nakaramdam naman ako ng koonting hapdi sa may bahagi ng tuhod ko. tiningnan ko ito at nagulat nalang ako ng makita ko na puno ito ng band aids.

11 pm na ng gabi. ilang oras din pala akong nawalan ng malay.

ng makatayo ako ay dumiretso agad ako sa kusina.

tahimik lang ang buong paligid. mukang tulog na silang lahat.

naggawa lang ako ng cereal at saka nagtimpla ng nainit na gatas.

mag isa lamang ako ngayong kumakain dito sa dining room.

medyo nanghihina parin ako. ni hindi ko nga alam kung bakit bigla nalamang akong nawalan ng malay kanina sa Enchanted Kingdom.

Naalala ko nanaman ang mga nangyari kanina.

pati ako ay naiinis na rin sa sarili ko tuwing ginagawa ko iyon.

bakit ba ako umakto ng ganun noong nakita ko si Alexis?

napahawak nalamang ako sa ulo ko ng dahil doon.

"Stop thinking of him." bulong ko sa sarili ko habang nakasabunot sa buhok ko.

kung may nakakakita man saakin ngayon ay aakalaing nababaliw na ako.

agad akong tumigil sa ginagawa ko ng maramdaman kong nagbabadya nanaman ang mga luha ko na tumulo.

hindi ako nagkamali dahil agad nanaman itong umagos mula sa mga mata ko.

ayan nanaman nakakainis. sawa na kong umiyak. please naman Kelly wag ka ng umiyak.

agad kong pinunasan ang mga luha ko at nagpatuloy sa kinakain ko.

isipin mo nalang na hindi mo sya kilala at kahit kailan hindi sya nag exist.

Matapos kong kumain ay bumalik na muli ako sa kwarto. Nakaramdam na din kasi ulit ako ng antok.

nandun parin si Steven at gaya kanina, tulog na tulog parin.

Ng makahiga na ako sa kama ko ay ipinikit ko na rin agad ang aking mga mata.

simula bukas, kailangan mong magpanggap na wala kang kilalang Alexis.

---

"Mommy wake up!" sigaw nanaman si Gy. eto nanaman ang aking alarm clock.

andaya bakit mas una parati syang gumising kesa saakin.

"Im awake now baby. Thank you for waking me up." I said and kissed her forehead.

"Dad told me to give this to you mommy." sabi pa nya at saka binigay saakin ang isang envelope na bukas na.

siguro ay pinakealaman na agad ito ni Steven.

agad kong kinuha ang nasa loob neto. isang papel.

invitation para sa isang Reunion?

pero it's almost 5 years palang? oh well. maganda ito dahil for sure makikita ko nanaman ang aking mga kaibigan.

"Where's your dad?" tanong ko kay Gy pero tulad ng inaasahan nagkibitbalikat lang sya at saka yumapos saakin.

yumapos din naman ako sakanya at kasabay nun ang pagbuhat ko sa kanya ng makatayo ako.

GANGSTER HIGH 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon