Chapter 16: I like you

6.9K 165 42
                                    

Kelly's POV

Ilang araw na rin ang lumipas nung huling nagkita kami ni Alexis. Hindi ko parin malimutan ang yakap at ang titig nya saakin na napaka tagal kong inantay. Nakakapagtaka din dahil hindi na namin sya masyadong napapag usapan ni Steven. Pero mabuti narin yun para wala na kaming mapagtalunan. Si Alexis lang naman lagi naming pinag aawayan e.

Kasalukuyan kaming magkasama ni Steven ngayon. Sinasamahan ko kasi syang mamili ng sapatos. Ewan ko ba, madami naman syang sapatos na halos di pa nagagamit pero eto nanaman sya at may balak pang dagdagan iyon.

"Blue or Black?" He asked habang nakatitig parin sa timberlands na hawak hawak nya.

"Uhm, anything will suit you." I anwered kaya naman napatingin sya sakin. Ngumiti lang ako at ganun din naman sya.

"Well, ok. Sabi mo e. I'll buy both." Sabi nya pa at saka tinawag ang sales lady para bilhin na ito. Inantay lang namin ibalot yung binili nya at saka umalis na din kami. Nakakapanibago kasi ngayon lang naman ulit kami lumabas ni Steven na kami lang. Palagi kasi namin kasama si Gy pag namamasyal kami. Buti nalang at pumayag si Amber na alagaan muna si Gy habang wala kami.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong pa nya. Humarap ako sa kanya at nasilayan ko nanaman ang napakaamo nyang muka. Siguro kung hindi ko na mahal si Alexis-- hay nako eto nanaman ako.

"Kahit saan." Sagot ko at ibinaling na muli sa iba ang tingin ko.

"What's wrong? Parang wala ka sa mood?" Wika nya and then inakbayan nya ko and hinila papalapit sa kanya. Bigla nalamang tumibok ng sobrang bilis tong puso ko. Pucha naman oh! Ano bang nangyayari!

"W-wala uy! Ano busog pa kasi ako!" I answered and then kumawala mula sa pagkakaakbay nya.

"Sus ikaw busog?? Himala ah! Hahaha." Pang aasar pa nya kaya sinamaan ko nalang sya ng tingin at mukang nagulat naman sya dahil sa ginawa ko.

"Joke lang. By the way, Im thinking about going to palawan. What do you think?" Pag iiba nya. Saglit kaming natigilan. Palawan? Parang ang layo naman masyado?

"That's great! So ilang araw ka mawawala?" I asked. Trying to cheer him up. Alam ko naman na naging stressful to sa kanya simula ng umuwi ulit kami from italy.

"Anong ako? Tayo." He said and smiled.

"H-ha?" Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Ayaw mo ba?" Tanong muli nya and then sumimangot sya. Nagpacute pa tong taong to!! Lalo akong hindi makakatanggi sa kanya e!

"Ofcourse I want to." Biglang namuo ang napakalaking ngiti mula sa labi nya. Mukang tuwang tuwa ang mokong ah? Ano nanaman kayang plano ng taong to

"Ok. We'll fly tomorrow." Sambit nya at saka hinawakan ang kamay ko.

Halos gabi na ng napagdesisyunan naming umuwi na. Namasyal lang naman kasi and namili ng kung ano ano. Hassle kasi bukas na pala agad ang alis namin!

Pagdating namin sa bahay ay naabutan naming tulog si Amber habang dinodrawingan sya ni Gy ng kung ano ano sa braso. Napatawa nalang kami ni Steven sa nakita namin. Tulog mantika kasi si Amber.

"MOMMY!! DADDY!!" sigaw ni Gy nang makita nya kami. At saka kami niyakap.

"Hi darling. How was your day?" Sambit ko at saka umupo sa tabi ni Amber na kasalukuyan paring natutulog.

"Me and tita Amber played and she told me to draw roses on her arms!" Gy answered and then lumapit sya kay Steven at akmang nagpapabuhat kaya agad naman itong kinarga ni Steven.

Ang cute talaga nilang tingnan. Kung pwede nga lang. Sana... sana ikaw nalang talaga Steven. Edi sana masaya tayo ngayon. Ikaw, ako at si Gy.

Agad kong binaling kay Amber ang paningin ko ng mapansin kong nakatitig na din sakin si Steven.

GANGSTER HIGH 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon