Chapter 17: Where am I?

5.9K 146 20
                                    

Halos 6pm na nang makabalik kami sa hotel room. Sinulit na kasi namin yung dagat para sa iba naman kami pupunta bukas. Medyo pagod na rin ako since simula pagdating namin kanina wala na kaming oras para magpahinga.

Nauna akong pumasok sa kwarto at sumunod na din naman si Steven.


"What do you want for dinner?" He asked at saka nya isinara ang pintuan.


"Hmm, I'm full. Ikaw ba?" Pagbabalik ko dito kasabay ang paghiga ko sa kama. Sumanod naman siya sakin at humiga din sya sa kama. Kasalukuyan syang nakatitig sakin.


"I want you." He said at saka ngumisi ng nakakaloko.


"I want you for dinner." Dagdag nya kaya naman napatayo nalamang ako sa pagkakahiga ko.


"H-ha?" Medyo nauutal ako dahil sa sinabi nya teka ano ba!!!


"Just kidding. May buffet sa baba. Change your clothes." Sabi pa nya kaya nakahinga ako ng maluwag. Dumiretso agad syang bathroom para magshower kaya naman naiwan nalang ulit ako dito sa kama. Siguro naman ay di ko pagsisisihan ang naging desisyon ko. Binigyan ko ng pagkakataon si Steven. Sa tingin ko naman ay hindi nya gagawin sakin ang ginawa ni Alexis...

teka, ano nga bang ginawa sakin ni Alexis? Wala. Katunayan nga ay kami ng pamilya ko ang may kasalanan sa kanya. Na alam ko habang buhay ko pagsisisihan. Wala na e.

Alam kong wala nang pag asang maayos namin ni Alexis. Masaya na sya sa iba at dapat ganun din ako. Kailangan kong maging masaya kahit hindi sya ang dahilan.

Matapos magshower ni Steven ay sumunod na ko. Binilisan ko lang since maghapon kaming babad sa tubig.

Nag pajama nalang ako. Habang si Steven naman todo porma parin. Panay parin ang papogi sa mga babae.

"Uh, ayan suot mo?" Tanong nya habang nakatitig parin sa pajama ko na hello kitty.

"Yes, why? May problema ba sa suot ko?" I asked at saka sumimangot.

"Wala pero, ang cute mo." He said at parang nagpipigil ng tawa kaya naman inirapan ko nalamang sya.

Nauna na akong lumabas ng room. Rinig ko naman ang paglalakad ni Steven kaya alam kong kasunod ko sya.

Nang makarating kami sa buffet area ay agad na akong kumuha ng pagkadami dami. Para di na ko babalik para kumuha ulit hassle ang laki pa naman nito. Napansin ko namang nakatitig lang si Steven sakin habang kumakain ako kaya saglit akong natigilan.


"Bhakhet?" Imik ko kahit na may nakalagay pang pagkain sa bibig ko.

Ngumisi lang sya at saka kumain na. Hindi parin nawawala ang ngiti mula sa labi na kahit na ngumunguya na sya. Ang weird talaga ng taong to oh.

Akmang susubo na ulit ako ng pagkain ng bigla nalang syang umimik.



"Thank you." He said and again nakatitig nanaman sya sakin. Di ko naman mapigilang ngumiti.



"Thank you para saan?" I asked.



"Kasi you gave me a chance." He answered at ngumiti muli. Hinawakan nya ako sa kamay at saka muling umimik.



"I love you."

Parang nablangko ang utak ko ng marinig ko iyon. Para bang hindi sya magprocess saakin. Parang hindi ko maintindihan.

'I love you'? Nakakain ba yun?

Hindi naman ako umimik at isang ngiti lamang ang sinagot ko sa kanya. Ngumiti naman sya pabalik at saka itinuloy na namin ang pagkain namin.



GANGSTER HIGH 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon