Chapter 49: Shakespear's ROMEO and JULIET

145 6 0
                                    

Chapter 49

Nanigas si Jea sa kinatatayuan niya ng makakita ng kung ano-anong baril, droga, at babae na nakakandong sa hita ng mga hindi kilalang kalalakihan. Hindi niya alam kung tutuloy pa ba siya o hindi. Hindi niya pinangarap na mapunta sa isang sitwasyon na kagaya nito.

“Oh. May bisita pala tayo dito.” Sabi ng isang lalaking naka-itim na suit, may sombrero at may hawak pang tabako. May babae rin sa kandungan nito. Hindi lubos akalain ni Jea na parang sa isang iglap lang, malalagay sa ganitong klase ng sitwasyon ang buhay niya.

Napupuno ng usok ang buong paligid. Gusto niya sanang hanapin yung lalaking kasama lang niya kaninang umaga upang magpatulong dito, ngunit hindi niya ito mahanap.

Dahan-dahan niyang kinuha yung cellphone niya sa likod na bulsa niya at idinial yung no. ng bestfriend niya. Hindi siya sigurado kung tama ba yung pinipindot niya dahil hindi naman niya ito nakikita. Nagbabakasakali lang siya. Dahil alam niyang mahihirapan na siyang makalabas pa dito ng buhay.

Alam niyang puro drug lords ang nandito.

Nakita niyang tinignan nung lalaking nagsalita kanina yung mga kalalakihang nakatayo sa gilid nito at tila inutusan na lumapit sa kanya at dalhin siya doon malapit sa kanila. Agad niya inilagay sa bulsa niya yung cellphone niya. Nagdadasal siya na sana lang nagriring na yung cellphone niya at sagutin ito ni Julie.

“A-aray.” Yun na lang ang nasabi niya ng maramdamang hinawakan siya ng dalawang kalalakihan na ito. Iginaya siya ng mga ito papalapit doon sa lamesang pinaglalagyan ng kung ano anong delikado at illegal na bagay. At dahil doon lang sa parting iyon maliwanag ang ilaw, doon niya naaninagan ang mukha ng lalaking kanina pa niya hinahanap.

Halos tuod na lang siya ng maiharap siya sa mga ito. Hindi niya magawang maglakad papalabas dahil alam naman niyang hindi niya na magagawa ito dahil napaka-imposibleng hayaan na lang siya ng mga ito na makalabas ng buhay o ng walang ginagawang kung ano man sa kanya.

“Anong gagawin natin dito boss?” sabi nung isang lalaking nakahawak sa kanya. “Maganda to boss.” Sabi pa nito na ikinatindig ng mga balahibo niya. Palihim na lang siyang nagdadasal ngayon at humihingi ng tulong sa Maykapal.

“Kayo na bahala. Regalo ko na sa inyo yan.” pagkasabi non, bigla na lang siyang hinila ng dalawang armadong lalaking ito at alam na niya na talagang hindi maganda ang gagawin nito sa kanya. Nagtataka siya dahil hindi man lang siya tinutulungan ng lalaking nakasama niya kagabi. Akala pa naman niya mabait ito? Pero bakit nakatingin lang ito sa kanya? Hindi na ba siya nito natatandaan?

“Sandali lang!! Saan niyo ba ako dadalhin?!” nagpupumiglas si Jea sa hawak sa kanya ng dalawang lalaking ito. “Gusto ko lang naman mahanap yung bracelet..” hindi na siya gaanong makasigaw pa ng makita kung saan siya dadalhin ng dalawang ito.. sa VIP room.

Naiiyak siya. Anong katangahan ba tong pinasok niya? Anong nangyayari sa kanya? Dapat ngayon ay kasama lang niya yung taong mahal niya at mga kaibigan niya. Pero anong nangyayari? Bakit naging ganito kapait ang tadhana sa kanya? Buong buhay na lang ba siya maghihirap?

“JULIEEE! TULUNGAN MO KO!” hindi niya alam kung anong gagawin. Pero ang kanyang matalik na kaibigan kaagad ang naisip niya. Bigla namang natawa yung dalawang lalaki na humihila sa kanya.

Just Another Romeo and Juliet Love Story 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon