Chapter 31: Make Love To Me

256 12 2
                                    

Chapter 31

“She stayed for the rest of the night in our house Ma’am, Sir.”

“WHAT?!!” biglang bulalas ng Mama ko. Oh come on? Ano bang iniisip nila?

“Ma wala pong-“

*PAAAAAKK!!!!*

Isang malakas na sampal na lang yung naramdaman ko. Isang malakas na sampal na nanggaling mismo sa mga kamay ng tatay ko. Pero hindi ko na rin ininda. Hindi ko maramdaman yung sakit pero napahawak pa rin ako sa kanang pisngi ko. Napatingin na lang ako sa kanila. Nagbabadyang tumulo na naman yung luha ko.

“Jea!” gulat na tawag sa pangalan ko ni Keith at napabaling siya ng harap sa akin. Parang nagugulat din siya sa mga pangyayari.

“ANTON!” ma-awtoridad naman na sabi ni Mama sa papa ko. Pero parang wala pa rin siyang naririnig.

“Ganyan bang pagpapalaki ang ginawa ng nanay mo sayo ha!??” sigaw niya sa akin. Gusto kong yumuko at umiwas ng tingin sa kanila ngunit hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw.

“Anton! Hindi ko pinalaki ang anak KO sa isang hindi magandang paraan! Wala ka ngang nagawa para sa pagpapalaki sa kanya eh! Paano mong nakkwestyon ang pagpapalaki ko ka sa kanya ha?!” sabi ni Mama na kay Papa na bumuntong. Pinanuod ko lang sila.

Hindi pa ba tapos?

“Mapapalaki ko pa siya ng MAS maayos Celestine! Kung dati pa lang ibinigay mo na siya sa akin!!” nagumpisa na naman silang magsigawan.

“ANO BANG TINGIN MO SA ANAK MO HA!? TUTA!? PWEDE BA ANTON! AKO ANG NANAY NIYA AT SA AKIN LANG SIYA! WALA KANG KARAPATAN! DAHIL AKO ANG NAGHIRAP! AKO ANG NAGHIRAP NG PAGPAPALAKI SA KANYA! PAGKATAPOS MONG MAWALA NGAYON BABALIK KA TAPOS ANO? AFTER NG LEGAL ANNULMENT KUKUNIN MO NAMAN SIYA? HINDI PUPWEDE ANTON. HINDI!”

Magsasalita pa sana si Papa pero pinutol ko na.

“TAMA NA! AYOKO NA! AYOKO NA SA BAHAY NA TO! AYOKO NA RIN SA INYO! Mahiya naman kayo Ma, Pa! Nagtatalo pa kayo? Eh parehas lang naman kayo! Si Mama, Papa siya lang yung nagpalaki sa akin nung nawala ka. Wala kang ginawa. Pero si Mama siya nga yung nagpalaki sa akin lagi naman akong iniiwan. Ano ba kayo ha? Mga magulang ba talaga kayo ha? Kung ganito lang rin naman sana hindi ninyo na ako ginawa! AYOKO NA TALAGA DITO! HINDING-HINDI NA TALAGA AKO BABALIK DITO! HINDI NIYO NA RIN AKO MAKIKITA! WAG NIYO NA MUNA AKONG HANAPIN KASI AYOKO NA TALAGA! PAGOD NA AKO!” pagkasabi ko ng mga katagang yun ay hinila ko na kaagad si Keith papalabas sa bahay namin. Kahit walang sabi-sabi ay pinagbuksan na rin niya ako ng pinto ng kotse niya at umalis kami.

Here we go again.. I’m escaping.

*

Nandito kami ngayon sa isang hotel. Hindi na kami dumiretso sa bahay nila, baka kasi sundan pa ako ng mga magulang ko doon. Ayokong mas lalo pang gumulo. Nakaupo lang ako ngayon sa kama. Parehas na walang nagsasalita. Dahan-dahang tumutulo na naman yung mga luha ko.

Just Another Romeo and Juliet Love Story 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon