Chapter 10: Evil

245 19 4
                                    

Chapter 10

Niyaya ako nitong si Patrick pumunta sa dati naming hang-out place na dalawa. Sa may likod lang to ng East Angelicum University actually papalubog na rin naman ang araw kaya maganda na ang view dito.

Naalala ko tuloy yung dati, tumatakas pa ako kay Jea para lang makapunta dito at samahan siyang manuod sa paglubong ng araw. At ngayon, eto na naman kami. Parang ang sarap sa feeling, ang sarap sanang isipin, pero hindi na. Iba na ang panahon ngayon. At mas lalong nag-iba na rin ang sitwasyon ngayon.

Umakyat kami ni Patrick sa pangatlong palapag nung building, madalas dito rin kami kumakain nun dati eh. Umupo naman ako kaagad sa may bintana. May space kasi dun sa may bintana na pwedeng upuan kaya masarap talang mapag-isa don.

“Oh ano? Magsasalita ka ba o hinde.” lumapit naman siya sakin. Err…. Ano ba gusto ko nang matapos to.

“I want you Julie..”

“I want you back.” Nag-umpisa na siyang magsalita.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Whaaaaaaaaaaaaaaaatt?!

“Nababaliw ka na ba?” tanong ko sa kanya.

“Yes, I’m crazy in love with you.”

Sa mga oras na to, eh parang gusto ko na siyang sampalin.

“Hey!! Don’t you know what you did to me?! Huh??” napagtaasan ko na siya ng boses dahil hindi ko na rin naman na mapigilan.

“Yes, and I know that I hurt you. That’s why I’m here, saying sorry in front of you. I know that I’ve been so rude of what I did when I left you. But that’s not my choice, Julie. Makinig ka sakin.” naiiyak na ako. Ano ba yan! Matagal na yun e!

Hindi na lang ako umimik.

Oo na, sige lang. Bahala ka na din sa buhay mo.

“Say something.”

“I have nothing to say, Patrick.”

“Baby, PLEASE.” He hugged me. At wala na akong nagawa, hindi ko alam pero hindi ko rin magawang bumitaw at magpumiglas sa kanya. But I now it wasn’t right. Hindi na dapat ako magpaloko pa. At hindi na rin dapat ako magsinungaling pa - magsinungaling sa bestfriend ko.

Besides iniwan niya ako. It just proves na hindi niya rin ako kayang ipaglaban. He doesn’t love me that much para sabihin niya sa akin kung may problema ba o kung ano nung mga panahon na yon para hindi ako maghintay, umasa at masaktan.

“Don’t do this please.” sabi ko na lang, nang walang ka-emosyon emosyon, nakatayo lang habang yakap niya ako.

I can feel the pain again.

And it hurts me so much.

Ano na bang gagawin ko?

“Patrick, this isn’t right.” he just hugged me tighter, without saying anything. Without any words coming from his mouth.

“Let’s bring it back together.”

“NO, there’s nothing to bring back.” I immediately said. Ang kapal naman talaga ng pagmumukha niya.

“I know that you still love me.” nag-umpisa na siyang amuy-amuyin ang buhok ko.

“ARG! Anu ba?! tigilan mo na ako!” nagpumiglas ako sa pagkakayakap niya at nadire-diretso na para umalis don.

Anu ba naman siya!

Nakaka-inis! Sana naman tigilan niya na ako. Napapagod na ako sa kanya, ayoko na talaga.

Ang tagal na nun.

Patrick Kent’s POV

I know that I can take you back Julie..

And you will be going to be mine again.. MINE.

Just mine.

Just Another Romeo and Juliet Love Story 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon