Chapter 47: Miracle

158 4 0
                                    

Chapter 47

Miniel’s POV

Kinausap ako ng daddy ni Sachi. Nung una hindi ko alam kung anong sasabihin niya, sasabihin ko, o gagawin niya sa akin. Akala ko susuntukin na niya ko. Pero hindi.. parang siya pa yung nagpalakas sa loob ko. Nahihiya ako, pero siya pa yung nagbigay ng assurance sakin.

Ipinagkatiwala niya sa akin si Sachi. Pero anong ginawa ko? Pinabayaan ko siya. Hindi dapat nangyari to. Dapat nandun lang ako sa tabi niya. Hindi dapat ako nag take ng kahit anong risk na kahit malayo lang ng isang segundo sa kanya dapat hindi ko na ginawa.

“I feel so thankful for you.” yun kaagad yung sinabi niya sa akin.

Nagulat ako. Anong dapat ika-thankful? Eh dahil nga sa akin kung bakit siya nagkaganito.

Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakayuko habang nasa harap niya. Naguguilty lang talaga ako.

Maya-maya, narinig ko na lang na tumawa ng mahina yung tatay niya kaya napaangat ako ng tingin. “Wag kang duwag.” Yun kaagad yung sinabi niya. Natakot ako. Mas lalo akong nahiya.

“S-sorry Sir.”

Lumapit siya sakin. Niyakap ako at tinapik-tapik yung balikat ko. Parang naramdaman kong siya yung tatay ko. Pagkatapos niyang gawin yon, hinarap niya ako ng nakangti pa rin.

Ano ba to? May mangyayari ng masama sa anak niya nagagawa pa rin niyang ngumiti.

Kanina ko pa gustong gustong sapakin tong pader dito. Inis na inis ako!

“I know you did all your best to take care of my daughter.” Nagsimula siyang magsalita. “I also know how much you love my daughter. So if you really love her, be brave.  I really love my daughter and that’s enough for me to smile even though her life is at risk. And you must also learn how to do that, son.” Pagkasabi niya nun, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanang na feeling. Son? T-tinawag niya akong son?

“I’m willing to give my daughter to you Mr. Villanueva. I know you can take care of her. But one thing you must really do,” tumingin siya ng seryoso sakin. “Accept it.”

Yun yung huli niyang sinabi sakin..

“Accept it.”

Julie Anne Clarette’s POV

Lumabas na yung doctor na kanina pa namin hinihintay. Seryoso yung mukha niya na mas lalong ikinatakot ng lahat. Nagpatuloy lang ako sa pagdadasal, kahit na sa huling segundo bago sabihin sa amin ng doctor yung kalagayan niya, baka biglang magbago ang ihip ng hangin at maging good news yan kung bad news man yan.

“Mr. Lee.” Tawag ng doctor ni Sachi sa daddy niya.

“What is it Mr. Bautista?” formal na tanong ng daddy niya.

Please. Please.. Lord, save her.

Just Another Romeo and Juliet Love Story 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon