Chapter 2: Welcome Back Party (Part 1)

602 27 12
                                    

Chapter 2

Kasalukuyang nasa isang ice cream parlor kami ngayon ni Jea. Naiinitan kasi kami sa bahay atsaka boring kaya nag gala-gala muna kaming magbestfriend.

“Hoy! Jea anu ba kanina ka pa busy jan ah? Matutunaw na kaya yung ice cream mo..” sabay bato ko sa kanya ng tissue. Masyado kasing tutok sa cellphone niya. Kanina pa yan.

“Anu baaaaa? Kitang may kausap e.” sabay pout tas dila na ulit sa ice cream niya. Then text na naman.

“Ano ba yan ha? Sino ba yang kausap mo ha?” tanong ko.

“Si Keith.. “

“Keith? Keith who?” Naku.. May bago na naman siya?

“Seeecreeett.. nakilala ko lang siya kahapon. Actually batchmate rin naten siya e. Varsity player, hiningi yung number ko. Oh My gash!” sagot niya sa akin.

Haha. Loka talaga tong babaeng to. Ganyan yan eh. Ang daming boylet hanggang ngayon

naman wala pa ring boyfriend. Wala daw siyang gusto? Suuuuuuuuuuus! Menewele eke?

“Bagong boylet mo na naman..” sabi kong walang ka gana-gana.

Paano ba naman kasi, lagi na lang. Tapos malalaman niya taken na. Ganun kase yung nangyare sa huling suitor niya. Grabe nga iniyak niya. Sandamukal na timba.

“Hey sis. Ano ka ba naman?  Hindi noh.”

“Aaaaaaayy!!” nagulat ako ng bigla siyang tumili ng may nabasa sa cellphone niya. “Andito na siya sis.” sabi niyang sobrang kinilig.

“Sinong siya?” nahuli na ata ako ng tanong ng biglang tumayo si Jea, nasa likuran ko na pala yung guy. Kaya napatayo na rin ako.

Tinignan ko muna mula ulo hanggang paa.

Wow, infairness ah? Gwapo siya. As in GWAPO.

“Hi ladies.” sabi niya with matching killer smile pa. Pero kahit ganon, di naman siya mukhang arogante or something, mukha pa ngang mabait eh. Tarush ang bestfriend ko!

Gwapo na mabait pa.

“Hi Keith.” sagot naman ng bestfriend ko.

“Hello.” sabi ko lang. Hay, wala pa rin ako sa mood mag entertain ng mga ganyan.

Pinaupo naman siya ni Jea. Tapos ayun, ang gaga tuwang-tuwa. Tapos ako eto, O.P. sa kanilang dalawa. May date pala sila di man lang sinabi sinama pa ako ng bruhildang to dito.

After an hour, ayun natapos na rin sila. Naka-limang ice cream na ata ako ng may magawa lang.

“Bye Kiiieeeth.” rinig kong sabi ni Jea sa kanya.

“Are you sure? Hindi na ba talaga kita ihahatid?” sabi naman nung Keith.

Just Another Romeo and Juliet Love Story 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon