CHAPTER: 29

520 20 1
                                    

monday morning 

---------------------------------------

'Goodbye' 

"Post birthday party, Elijah!" Sabi ni Jash kay Elijah. Oo nga, hindi nakapag celebrate ng maayos si Elijah nung birthday niya. 

"Today?" Today. Today is the last day. Tumango si Jash sa kanya. Tinignan ko ang phone ko. Bakit hindi siya nagtetext or tumatawag? "Sure! Sa bahay or dito?" Well, maaga pa naman. Baka tulog pa.

"Ica, pwede ba dito?" 

"Okay lang. Mom wont mind.." Dad too. He's going to be busy, iyon ang alam ko. Marami siyang meetings ngayon, and Im thankful for that. Walang masyadong mang-gugulo sa akin ngayon. 

"Paluto na lang tayo sa mga maids!" Sabi ni Crim. "Tayo na lang ang bumili ng ingredients." 

"Kayo ang bahala." 

Last year. Ang 20th birthday ko, sobrang pinaghandaan. Parang 2nd debut ko iyon. May mga gowns at dances, may mga nag-speech din. I was so happy that day. Lahat ng tao na gusto kong makita nandoon. Including Jayden, of course. Boyfriend ko siya that time. Hindi pwedeng mawala.

"Margaux, slow down! Nakakahiya!" Rinig kong sigaw ng isang babae. Napatingin ako sa gilid. May dalawang babae na nakatay, at yung isa may hawak na DSLR. 

"Shut up! Kailangan natin siyang makuhaan ng picture! Magiging highlight ito ng Hawthorn!" Binalik ko ang tingin ko sa harap. Geez. Nag-graduate na ako pero may mga tiga-Hawthorn pa rin na umaaligid. 

Nakuhaan nila ako ng picture. And after a week, may inuwing newspaper si Pin. May whole details of the party doon. Including the guest list, the even coordinator at pati na din ang gumawa ng gown ko. Hindi ko alam kung saan nila nakuha yun. 

Stalkers. 

Im turning 21 this year. Wow. Ang bilis, feeling ko 18 pa rin ako. "Invite Rome, ha?" Sabi ni Jash. Tumango ako. Of course, I'll invite him. Im actually ready. Alam kong isusumpa niya ako. "Punta lang kami sa grocery, we'll buy ingredients." 

"Sige, please get me cheetos!" Tumango siya. Umalis silang tatlo, Crim, Jash and Elijah. Biglang kong naalala si Lean. Siguro pati si Lean ay magagalit sa akin. I'll explain it to him. Pero hindi ko sasabihin ang tungkol sa mommy niya. Bata pa siya.. 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon