CHAPTER: 10

1.1K 31 0
                                    

'DADDY' 

Papasok na ako ng office ni  Rome ng maalala ko na gagawa pa pala ako ng listahan ng negative thoughts ko kay Jayden. Yun ang step one, make your heart accept the fact that he doesnt love you anymore. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Rome na natutulog. Yung ulo niya nakapatong sa desk niya.

Lumapit ako.  Tinignan ko siya ng mabuti. "Sana lagi ka na lang tulog para mukha kang anghel. Tss." Nilapag ko yung mga folder na dala ko sa desk niya tapos lumabas na ng office niya. Sana lagi na lang tulog yun. Kapag gising parang monster. Umupo ako sa upuan, malamang. Tapos kumuha ako ng paper pati ballpen. Nagsimula na ako magsulat. Sinulat ko lahat ng negative tungkol sa kanya. 

At ang pinakahuli. 'paasa'  hehe. 

 Biglang nag vibrate ang phone ko. 'Daddy." Kinabahan ako bigla. Baka pilitin kasi ako na pumunta pabalik ng Manila. Sinagot ko kaagad ang tawag niya. 

"Ddy.." 

["America.."] Napabuntong hininga ako. Ito na nga ba sinasabi ko eh. ["Come back here.."]  

"Ddy, hindi pwede.." 

Ito ang pinaka-ayaw ko kay Daddy. Mapilit siyang tao. Gusto niya lahat ng tao sa paligid niya, na pe-pressure. ["America, please.. kahit two days. I want you here."] 

"Dad, hindi talaga pwede. Busy ako dito sa tra--" Naputol ang sinasabi ko ng may marinig ako, isang boses ng batang lalaki. ["Daddy!"]  

"Dad, sino yun? Bakit may tumatawag na Daddy?" 

["Ha? Wala iyon, dumaan lang dito sa room. Sa...labas iyon."]  Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa aliby ni Daddy, pero pinalagpas ko na lang. Kasi sigurado ako na siya ang tinatawag na Daddy. May anak ba siya sa labas? 

"Dad, hindi ako makakauwi ng Manila. Im sorry, pero kailangan ako dito ng boss ko." Binaba ni Daddy ang tawag. Ang hindi maalis sa isip ko, sino ang tumawag ng Daddy? May kabit ba siya at anak sa labas? 

Tss, ang dami ko'ng problema. Bakit ganito ang buhay ko. Dumagdag pa yung bata na tumawag ng Daddy.. Natauhan ako nang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, si Rome. Tinaas niya ang kamay niya, hawak hawak niya yung papel na punong puno ng negative thoughts tungkol kay Jayden. "Ano 'to?" 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon