CHAPTER: 13

1.2K 27 0
                                    

 'future girlfriend'

 

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba." Sabi ng maid sa akin pagkabukas ko ng pintuan. Day off ko ngayon, buti naman. Kasi nahihiya talaga ako kay Rome. Tanga ko kasi, bakit ko ba sinabi yun? Maiintindihan niya naman na lasing ako diba? Bumaba ako tapos may nakita ako na babae na nakaupo. May streaks ang buhok niya, napangiti ako. 

"Nala Brian!" Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Bruha! Hindi ka nagsabi na uuwi ka ng Pilipinas!" 

"Sorry, Ica. Nagpunta ako doon sa bahay niyo, sabi wala ka naman daw dun. Kaya pumunta ako dito." Si Nala, bestfriend ko yan. Nakatira kasi ang parents niya sa France, may lahi kasi silang French. Pero nagtatagalog naman. Nakilala ko siya sa Hawtorn. Kaklase ko siya sa dalawa ko'ng subjects tapos minsan pag sabay ang break namin, magkasama kami. Madalas din siyang nasa bahay. 

"Ano ginagawa mo dito?" Tumabi ako sa kanya tapos nakita ko ang Michael Kors na bag niya. Damn, this girl! Kinuha ko yung bag niya tapos hinalungkat. Nakita ko yung iphone 5s niya. "Pasalubong ko?" Tinignan ko yung sapatos niya. Valentino. Ito ang nakakainis kay Nala, kayang kaya niya magsuot ng ganyan kahit alam niya na ang daming pwedeng manakaw sa kanya. 

Meron din naman akong Valentino, Louboutin, Michael Kors, Chanel, Anne Klein, Marc Jacobs, pero hindi ko naman masuot sa labas, except na lang kung may family dinner or occasions. Kapag normal day lang, Aeropostale, Forever21, H&M lang ang mga gamit ko. 

"Musta lovelife?" Sabi ko sa kanya tapos nakita ko na namula siya. "Ah! Ikaw ha!" Tapos bigla siyang tumawa. Baliw lang? 

"May nakilala kasi ako kanina sa airport.. Ang gwapo Ica!" 

"Oh? Ano daw pangalan?" Tumingin siya sa akin tapos ngumiti. 

"Caspian." 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon