CHAPTER: 06

1.4K 33 4
                                    

 'gummy bear & mickey mouse' 


Minsan, hindi mo na malalaman kung tama ba ang ginagawa mo. Pero wala ka naman magagawa dahil kailangan mo gawin ang mga bagay na ayaw mo. "Masakit pa ba?" Tanong sa akin ni ate, si Frances. Nagkausap kami kagabi, tumawag siya sa facetime ko. 

"Hindi naman kasi yung breakup yung masakit eh. Yung mga memories kasi, palaging naaalala.." Sabi ko sa kanya. Iniba ko na rin agad yung topic dahil ayaw ko na nga maalala pa, pero wala eh, paulit ulit pa rin sa utak ko yung mga memories na nagawa na namin. 

Hindi ko nga alam kung kakayanin ko pa na magmahal ulit eh. Ugh, kadiri ang drama ko. Wala akong pasok ngayon, off ko daw sabi ni Claudette kaya naisipan ko na magpunta ng mall dahil malapit lang naman dito sa bahay nila Rese. 

Pagdating ko ng mall, tumambay muna ako sa foodcourt. Tapos may katapat ako na mag boyfriend at girlfriend. "Ang malas ko naman." sabi ko sa isip ko. Nagsusubuan sila nung ice cream na hawak hawak nung guy. PDA. Hindi ba sila nahihiya? 

Like hello, ang daming tao dito sa mall tapos PDA sila? "Honey, say 'a'." Sabi nung girl, napairap ako bigla. Honey tawag niya? Yung guy naman nagpasubo ng ice cream. Tch. Ayos ah. PDA pa. 

"Bee, ikaw naman." Sabi nung guy tapos sinubuan niya yung girl. "I love you, Bee." Honey Bee, haay ang corny naman ng endearment nila. Ginawa pa nilang bubuyog ang sarili nila. Tch. Tatayo na sana ako ng biglang may magsalita sa likod ko. 

"Stik-o, gusto mo?" Hindi ako lumingon, tumayo na lang ako bigla. Ano na naman ginagawa niya dito? 

"Hintayin mo ako!" Sabi niya tapos hinila niya yung kamay ko kaya napaharap na ako sa kanya. Tinaas ko yung kilay ko. "Sino kasama mo?" 

"Wala. Naghahanap ako ng boyfriend, sige dyan ka na. Bye." Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. Bigla ko tuloy naalala si Jayden, ginagawa niya lang yun kapag ayaw niya akong paalisin. At kapag ginagawa niya yun, may 'dug dug' feeling. Pero bakit sa kanya, wala? 

"Ako na lang boyfriend mo." Sabi niya bigla sa akin. 

Sinampal ko siya ng mahina gamit yung isa ko'ng kamay. "Siraulo! 'Di ako naghahanap ng boyfriend. Bitaw na, bitawan mo na kamay ko. Masakit na." 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon