CHAPTER: 12

1.1K 28 1
                                    

'baka sakali' 

 

Kagabi hindi ako makatulog dahil sa sinabi niya. Hindi lang "I really hate you" ang sinabi niya sa akin. May mas masakit pa doon. Nasaktan ako dahil ako, si America Perez ay isang tanga na hindi naman kaya suklian yung pagmamahal niya. "Sa tuwing mamahalin kita, nasasaktan ako."  And it really hit me. Nasasaktan ko siya...unconsciously. 

Doon sa sinabi niya na, 'Love doesnt choose, people do' hindi ako naniniwala. Siguro para sa kanya ganoon, pero para sa akin hindi. Kasi kung ang tao ang pumipili, sana pinili ko na siya ngayon pa lang. "Make things right, America." 

Napatingin ako kay Claudette na may hawak na coffee. Lahat ba ng tao dito mahilig sa kape? kasama niya si Luke. Ah, ano ba meron sa kanilang dalawa? "Make things right habang maaga pa." Napatingin ako kay Luke na busy sa kakatingin sa cellphone niya. Kasama niya si Claudette pero nakatingin sa phone? 

"I am making things right." Tumingin ako pabalik doon sa folder, actually tapos ko na ayusin. Ibibigay ko na lang kay Rome, pero tinatamad pa talaga ako. "By the way, family friend ka pala namin?" Tumingin ako pabalik kay Claudette na parang nagulat sa sinabi ko. 

"Paano mo.." 

"Kay Fran ko nalaman. Wala ka'ng balak sabihin sa akin?" Ibinaba niya yung hawak niyang coffee sa desk ko tapos nginitian ako. Creepy.. 

"Hindi naman sa ayaw ko sabihin sa'yo, baka kasi ma-awkward ka kapag nalaman mo na family friend mo ako eh. Hindi mo na ba ako natatandaan?" Umiling ako sa kanya tapos nilagay yung folder sa tabi para walang masyadong sabagal. "Natatandaan mo nung bata ka? Yung nagdidilig ng halaman yung maid niyo? Tapos nadapa ka sa putikan? Yung tinawag mo ako kasi gusto mo maglaro?" 

"Ikaw yun?" Grabe, that was the best day of my life, ever. My mom's really strict. After that thing, nagalit si Mommy sa akin, dahil sobrang dumi ko. At ang kulay ng damit na suot ko ay white kaya lalong nagalit sa akin si Mommy. Ayaw niya ako papuntahin sa mga playgrounds dahil madami daw doon. Kaya kapag may madadaanan kami na playground, ay hanggang tingin na lang talaga ako. 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon