Chapter 25: Fiesta

12 4 0
                                    

Fiesta ngayon ng Mandurriao at nagse-serve ako kay padre. Nakita ko si ninong na naka upo sa right side ni padre samantala si nong ay nasa left side. Maya-maya ay tapos na ang 2nd reading at Alleuia na. Habang kumakanta ang choir si ninong ay pumunta sa ambo at hinintay na bumaba ng ambo ang lector pagkatapos ay nasa ambo na si ninong

"The Lord be with you"

"And with your spirit"

"A reading from the Holy Gospel according to Luke"

"Glory to you o Lord"

FAST FORWARD

Tapos na ang misa at ang bilis talaga ng mga pangyayari. Narinig ko ang mga parishioners na nag-uusap tungkol sa homily ni ninong

"Tama talaga ang sinabi ni Fr. Jiscel sa kanyang homily. Dapat hindi natin husgahan ang isang tao at dapat hindi natin mag kalat agad ng tsismis na hindi natin alam ang buong pangyayari. At hate talaga ng ating parish priest ang tsismis"

"Tama talaga! At nag sorry naman ang tatay ng seminarista sa ginawa niya kay Fr. Jiscel at nagkabati na sila. Mabuting tao si Fr. Jiscel at hindi dapat natin siya i-tsimis. Hay! Ang mabuti pa eh mag confess nalang kita  sa parish priest"

"Tara na baka hindi natin maabutan si father" at agad silang umalis

"Guys punta na kayo sa refectory kasi may handa kami!" Sigaw ng isang assistant ni padre at lahat kami ay pumunta sa refectory

Grabe! Ang daming pagkain talaga plus may lechon pa hahahaha. Kung nandito lang ang classmate kong matakaw sure ball uubusin niya talaga ang lahat hahahaha. Bago kaming kumain si padre ang nag lead ng prayer after that kainan na

"Oh Jiscel heto ang pinggan, kutsara at tinidor at huwag kang mahiya" sabi ng isang lector

"Salamat po tita" ngumiti ako sa kanya at kumuha ako ng maraming pagkain

"Jiscel dito ka sa tabi ko" sabi ni Gabbi at tumabi ako sa kanya

"Salamat my loves" sabi ko at kinurot ko ang kanyang pisngi at kinurot niya talaga ang aking pisngi

"Syempre naman hehehe" sagot ni Gabbi at kumain kami

"Jiscel ano plano mo?" Tanong ni Gabbi

"Ha? Plano? Plano para saan?" Tanong ko

"Plano mo kapag magpatuloy ka ng Theology o hindi"

"Di ba sabi ko sayo na wala akong plano at nag ask ako ng permission kay tito na aalis muna ako ng seminario at hindi ko alam kung babalik ba ako o hindi at para naman maka discern ako ng mabuti" sagot ko at tahimik lang si Gabbi

••••••

"Jiscel pinatawag ka ni father sa office" sabi ng isang seminarista at agad akong pumunta sa office ni tito

"Father ba't niyo po ako pinatawag?" Tanong ko

"Jiscel gusto kong sabihin sayo na payag na ako na umalis ka muna ng seminario" sabi ni tito

"Pero sigurado ka ba sa desisyon mo?" Tanong ni tito

"Opo sigurado po ako at salamat po talaga tito" niyakap ko si tito

"Ingat ka Jiscel at susuportahan kita kung ano man ang desisyon mo" sabi ni tito at agad kong sinuot ang aking backpack at dinala ang aking maleta

Salamat Panginoon na pinasok Niyo po ako sa seminario na ito. Salamat na nakilala ako ng mga kaibigan tulad ni Gabrielle and his Team. Salamat po na makasama ko sina ninong at tito na gumagabay sa akin at hindi nila ako pinabayaan at sana po Lord na tama ang aking desisyon na umalis muna ng seminario at kayo na po ang bahala sa akin

My Forbidden Love Book 2Where stories live. Discover now