Chapter 23: Tsismis

14 3 0
                                    

Jiscel's POV

Hay nako! Dahil sa nangyari kina ninong at papa, nag kalat sa parokya at sa seminario ang tsismis sa ginawa ni papa at ang sinabi ni papa kay ninong na may ginawa si ninong kay mama

"Jiscel totoo ba ang tsimis na may ginawa si Fr. Jiscel sa iyong mama at nagalit ng todo ang iyong papa?" Tanong ng isang seminarista

"Hindi ko alam eh" sagot ko at umalis ako

Sorry Lord ha. Ginawa ko po yun kasi ayaw ko ng gulo at ayaw ko na tinutukso nila ako huhuhu

"Jiscel nabalitaan ko ang nangyari sa papa mo at kay Fr. Jiscel" sabi ni Gabrielle

"Hay! Kumalat talaga at totoo ang nangyari kina papa at ninong" sabi ko at umupo kami ni Gabrielle sa hardin

"Don't worry. I will protect you bro no matter what at tutulungan kita" sabi ni Gabrielle at tinapik ang aking likod

"Salamat brad" sabi ko at gumaan ang aking pakiramdam

"By the way, alam ba ni Gabbi ang nangyari kay papa mo at kay Fr. Jiscel?" Tanong ni Gabrielle

"Oo alam niya. Sinabi ko sa kanya nung nag-usap kami kagabi sa cp" sabi ko

"Eh ano ang sabi niya?"

"Sabi niya na ang mga tsismosa ay hindi alam ang buong istorya pero sa kanila may ending na" 

"Bro tama ang sinabi ni Gabbi and I agree"

"Yah. Same here at kainis talaga ang mga tsismosa"

"Hay nako! Talagang wala silang ginagawa eh"

Habang nag-uusap kami ni Gabrielle may narinig ako sa mga seminarista ang tungkol kina papa at Fr. Jiscel

"Bro totoo ba na may ginawa si Fr. Jiscel sa nanay ni Jiscel?"

"Yun ang narinig ko sa iba bro eh. Pero kung totoo yan bro, siguro may relasyon ang nanay ni Jiscel at si Fr. Jiscel at hindi ka ba nagtataka bro na ang pangalan ni Jiscel same sila ng pangalan ni Fr. Jiscel?"

"Oo nga bro, may point ka same sila ng pangalan ni Fr. Jiscel at siguro may relasyon noon ang nanay ni Jiscel at si Fr. Jiscel"

At bigla nalang sumigaw sa galit si Gabrielle

"Hoy! Kayong dalawa mga tsismoso kayo! Di ba sabi ni Fr. Seb na bawal ang tsismis dito?"

"Pasensya na po bro hindi na namin uulitin" sabi ng isang seminarista at umalis sila

"Bro salamat talaga ha at the best ka talaga" sabi ko

"Walang anuman bro basta ikaw" ngumiti at nag wink si Gabrielle sa akin

•••••••

Gabbi's POV

Kumalat ang tsismis ang tungkol sa nangyari kay Fr. Jiscel ang ninong ni Jiscel na sinuntok ni tito Damien. Nako! Ayos kaya si Fr. Jiscel? At ok lang ba kaya si Jiscel ngayon dahil sa tsismis? Kailangan kong puntahan si Jiscel sa seminario

AT THE SEMINARY

"Hello po! Sino ang iyong i-visit dito sa SVFS?" Tanong ng isang seminarista

"Brad si Bro. Jiscel. Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Nasa hardin po siya kasama si Bro. Gabrielle"

"Sige. Salamat po"

Agad kong pumunta sa hardin at nakita ko sina Jiscel at Gabrielle

"Jiscel!" Sigaw ko at lumigon sina Jiscel at Gabrielle

"Gabbi!" Sigaw ni Jiscel at tuwang-tuwa siya ng makita niya ako at tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya

"Bakit ka nandito Gab?" Tanong ni Jiscel

"Tungkol sa tsismis" sabi ko

"Hay! Totoo ang lahat Gabbi" sabi ni Jiscel

"Ayos lang ba si ninong mo?" Tanong ko kay Jiscel

"Ok lang siya pero sakit ang kanyang mukha dahil sa suntok ni papa"

"Ahay! So paano na yan Jiscel na kumalat na ang tungkol sa papa mo at kay ninong mo?" Tanong ko kay Jiscel

"Ang tanging magagawa ni ninong ay sa kanyang homily ay i-insert yung nangyari sa kanya at kay papa para matigil ang lahat at para maunawaan ng mga tao" sabi ni Jiscel at may point siya

"Jiscel alam kong kaya yan ni ninong mo na i-insert sa kanyang homily ang nangyari" sabi ni Gabrielle

Alam namin na kaya ni Fr. Jiscel ang lahat at sana matigil na ang issue dito sa seminario at sa parokya

My Forbidden Love Book 2Where stories live. Discover now