Chapter 8: May nagbabalik

54 5 0
                                    

Umuwi ako kina mama at papa dahil sembreak namin and they welcome me home hehe. Hay! Namiss ko talaga sila

"Anak, kamusta ang buhay mo sa seminario?" Tanong ni mama sa akin

"Ok lang po ma. At mahirap ang buhay sa seminario" sagot ko kay mama

"Anak, sigurado ka ba na magiging pari ka?" Tanong ni papa sa akin

"In God's will po papa na maging pari po ako o hindi" ngumiti ako sa kanila

"Pa, nasaan pala si Immaculate?" Tanong ko kay papa

"Nasa mall siya anak. Kasama ang mga kaibigan niya" sagot ni papa

"Pero alam nya po na nandito na ako?" Tanong ko ulit kay papa

"Hindi. Pero isurprise mo lang siya" nag wink sa akin si papa

"Hahahahaha sige po papa. Ma, pa punta lang po ako sa aking kwarto para mag pahinga" nag kiss ako kina mama at papa at umakyat ako sa hagdan papunta sa aking kwarto

Wala pa rin nagbabago ang aking kwarto nung umalis ako papunta seminario. Nandyan pa rin ang aking guitara at organ at ang aking laptop na nasa study table ko. Humiga ako sa aking kama at nag iisip kung ano ang gagawin. Habang humihiga ako sa aking kama may napansin ako na isang maliit na kahon sa study table ko so bumangon ako sa aking kama at binuksan ko ang maliit na kahon at sa loob nito ay may isang sulat na para sa akin at laking gulat ko na si Gabbi ay nagbabalik ngayon so agad akong bumaba ng hagdan at sinabihan sina mama at papa

"Ma, pa. Totoo ba na nagbabalik si Gabbi?" Tanong ko sa kanila

"Oo anak. Totoo na nagbabalik na si Gabbi." Sagot ni mama at nagpanic talaga ako at pinakalma ako ni papa

"Kalma ka lang anak. Bakit ka ba nagpapanic?" Hinawakan ni papa ang aking ulo

"Kasi pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya eh kung hi o hello or something" parang tumulo ang aking pawis kasi kinakabahan ako eh

"Anak, ang gagawin mo ay usually mo ginagawa kapag nakita mo ang mga kaibigan mo o di kaya na kakilala mo pa lang" ngumiti si papa sa akin at niyakap ko siya

"Salamat po papa" ngumiti ako sa kanya

"Walang anuman anak" sagot ni papa

•••••••••

Pagbukas ko ng gate namin may isang babae na naka ngiti sa akin at niyakap niya ako. Sino siya? Di ko siya kilala eh

"Jiscel long time no see" bulong niya sa akin at parang kinakabahan ako at binitawan niya ako

"Teka, sino ka ba?" Tanong ko at natuwa siya

"Ako ito si Gabbi. Hindi mo ba ako nakilala? Ang childhood friend mo ay nagbabalik" niyakap niya ako ulit

Ay hala! Hindi ako makapaniwala na si Gabbi ang nakayakap sa akin ngayon at bakit parang namumula ang aking pisngi my ghad!

"Gabbi? Long time no see. Ang laki ng pinagbago mo talaga" ngumiti ako sa kanya

"Oo nga eh. Nakatapos na ako ng college sa London and finally I'm back to see you again Jiscel ay hindi pala Fr. Jiscel" sagot niya at tumatawa ako

"Huy! Hindi pa ako pari. Seminarista pa lang ako Gab hehe" sabi ko sa kanya at tumatawa siya at pinasok ko siya sa bahay at sinalubong siya nina mama at papa

"Gabbi we're glad you're back" niyakap siya ni mama

"Hi po tita at tito" ngumiti si Gabbi sa parents ko at nag bless siya

"Gab, kamusta ang buhay mo sa London?" Tanong ni papa kau Gabbi

"Ok naman po tito. Na enjoy talaga ako sa London eh at I'm glad na nagbabalik ako dito sa Pilipinas hehe" sagot ni Gabbi

At na notice nina mama at papa na namumula ang aking pisngi at nag smirked pa sila sa akin. Alam ko na yan ang ibig sabihin ma at pa

"Gab namiss ka talaga ni Jiscel" tumingin si mama sa akin at parang kinikilig my ghad!

"Talaga po tita?" Parang nabigla si Gabbi sa sinabi ni mama. Ma naman eh ba't mo sinabi sa kanya

"Totoo ang sinabi ng tita Ann mo Gab. Namiss ka talaga ni Jiscel. Minsan eh tinanong niya sa akin kung kailan ka babalik eh" tumingin na rin si papa sa akin my ghad! Ayoko na!

At nakita ko na tumawa si Gabbi. Actually ang cute talaga ni Gab kapag tumawa siya at natatakot ako kapag nagalit siya parang tigre hahahaha

"Nung nasa London ako. Namiss ko si Jiscel talaga kasi mula nung maliit pa kmi lagi kmi naglalaro sa bakuran namin at nagkwentuhan eh" sabi ni Gabbi at namumula talaga ang aking pisngi na parang isang kamatis

"Ah.. eh.. Gab namumula talaga ang pisngi ni Jiscel" sabi ni mama at tumatawa sila ni papa pati rin si Gabbi my ghad! Stop it!

"Jiscel, bukas punta tayo sa lugar na kung saan tayo nag tambay noon" ngumiti si Gabbi sa akin at ngumiti rin ako

"Sure. Bukas punta tayo dun" at nagtaka sina mama at papa kung ano ang tinutukoy na lugar namin ni Gabbi hahahaha kasi nga secret place namin ni Gabbi

My Forbidden Love Book 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang