Chapter 11: Ipaglalaban

33 5 0
                                    

Kinabukasan ay binisita namin ni Ninong Father si Fr. Joseph sa St. Paul's Hospital

"Miss, saan po ba ang room ni Joseph Sevilla?" Tanong ni Ninong Father sa babae sa may information

"Sir nasa room 101 po siya" sabi ng babae

"Sige. Salamat" sabi ni Father at pumunta kami sa room 101 at binuksan namin ang pinto at nakita namin si Fr. Joseph na may dalawang dextrose at may oxygen tank

"Pads nandito na ako" sabi ni Ninong Father at hinawakan niya ang kamay ni Fr. Joseph

"Pads mabuti na nandito kayo" ngumiti si Fr. Joseph at niyakap niya si Ninong Father

"Kamusta ka na po Father?" Tanong ko kay Fr. Joseph

"Ok naman ako. Sabi ng doktor na 50:50 daw ang buhay ko pero salamat sa Diyos kasi naging stable ang condition ko" sabi ni Fr. Joseph

"Sino ang ma sub sayo sa misa?" Curious si Ninong Father

"Si Fr. Rex. Ang beadle ng batch natin noon hehe" sabi ni Fr. Joseph

"Ah ok. Mabuti kung ganon" sabi ni Ninong Father

Habang nag-uusap sina Ninong Father at si Fr. Joseph tumawag sa aking cp si Gabbi kaya lumabas muna ako para mag usap kami ni Gabbi at sinagot ko ang tawag niya

"Hi Gabbi. Ba't ka napatawag?" Tanong ko sa kanya at namumula ang aking pisngi

"Hello Jiscel. Gusto kitang kamustahin eh at syempre si Fr. Joseph" sabi niya at narinig ko ang giggle nya hehe

"Ah ok. Ok lang ako. Si Fr. Joseph ay ok na rin ang lagay niya. Nandito kami ni Ninong sa hospital eh. Nag-uusap sila ni Ninong hehe" sabi ko

"Ah ganon ba. Mabuti na ok na si Fr. Joseph at mabuti na rin na nag-uusap sila ng Ninong mo" sabi ni Gabbi

"Kailan ka pala babalik ng London?" Tanong ko sa kanya

"Siguro pagkatapos ng Christmas kasi doon na ako mag work eh" sabi ni Gabbi at ang tono ng pananalita niya ay malungkot

"Oh ok" sabi ko

"Jiscel be prepare sa birthday mo. May regalo talaga ako sayo" sabi ni Gabbi

"Ok ah. Basta huwag lang yung scariest thing of my life" tumatawa ako at tumatawa rin si Gabbi

"What if kung the scariest thing ang regalo ko sayo?" Nagulat ako sa tanong ni Gabbi

"Waaaaaah! No! Its a big no!"sigaw ko sa kanya at tumatawa siya

"Joke lang. Alam ko naman na takot ka sa aso eh hehe" sabi ni Gabbi

"Hay nako! Ayoko na" sabi ko at tumatawa si Gabbi

"Sana magustuhan mo ang regalo ko sayo" sabi no Gabbi

"Oo naman. Talagang magustuhan ko kasi galing sayo" sagot ko at namumula talaga ang aking pisngi

"O sige Jiscel. See you next time ah kasi may lakad kami ni mommy eh bye" sabi ni Gabbi

"Bye at ingat ka" sagot ko at pinatay ko agad ang cp ko at pumasok sa kwarto ni Fr. Joseph

"Jiscel saan ka nanggaling?" Tanong ni Ninong Father

"Sa labas lang po kasi tumawag si Gabbi" sagot ko at nag smirked sa akin sina Ninong Father at Fr. Joseph

"Ahem! Kilig si Jiscel" tinutukso ako ni Fr. Joseph at ganon din si Ninong Father waaaaah! Pls stop! At tumatawa lang ako sa kanila

"Pads aalis na kami kasi may misa pa ako at babalik na si future Father sa seminario" sabi ni Fr. Joseph at nag shake hands sila

"Sige Pads. Ingat kayo at Jiscel sana balang araw magiging isang mabuting Pari ikaw" ngumiti si Fr. Joseph sa akin

"Salamat po Padre and pls pray for me po" sabi ko at nag bless ako kay Fr. Joseph at umalis na kami ni Ninong Father

••••••••••

At the seminary

"So kamusta ang date niyo ni Gabbi?" Tanong ni Ninong Father at nag smirked siya

"Kayo naman po Father. Huwag kayong ganyan" sabi ko at tumatawa si Ninong Father

"Ikaw naman oh. Tinutukso lang kita at ganyan ako noon eh hehe na may date" sabi ni Ninong Father at he pat my shoulder

"You mean na may gusto kayo sa isang babae nung seminarista pa lang kayo?" Tanong ko kay Ninong Father

"Oo. Hindi ko talaga malilimutan that time eh. Pero masaya ako sa kanya kasi may pamilya siya at funny kasi ako ang nagpakasal sa wedding niya eh" sabi ni Ninong Father at ngumiti siya

"So nasaan na siya ngayon Father?" Tanong ko kay Ninong Father

"Ewan ko. Matagal ko na siya hindi nakikita eh" sagot ni Ninong Father

"Ah ok. At least Father na masaya kayo para sa kanya" sabi ko kay Ninong Father

"Yah hehe" sagot ni Ninong Father

"Kaya ikaw Jiscel, ipaglalaban mo ang babaeng mahal mo. Hindi mo siya susukuan kahit anong mangyari pero hindi natin maiiwasan ang calling ni God eh. And we don't know God's plan for you Jiscel. I'm praying for you and also in God's will maging pari ka" sabi ni Ninong Father at niyakap niya ako

"Tama po kayo Father at salamat po" sagot ko

May pinaghuhugutan si Ninong Father noon pero bilib ako sa kanya kasi naging pari siya kahit na hindi niya pinili ang magkaroon ng pamilya. Curious ako kung sino ang girl eh pero I won't ask Ninong about that baka magalit siya sa akin or something hehe

My Forbidden Love Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon