MEKYLA?

14.7K 176 14
                                    

MEKYLA?

Nalalakad lakad kami ni Hera ngayon, ngayon lang ulit kami nagakasama after ng mga gulo dahil sa pagkawala ni Melissa.

Inutusan din ako ni Mark na hanapin kung sino ba ang may gawa, pero hanggang ngayon wala parin kaming balita.

“Beb, kamusta pala kayo?” tanong ko sa kanya. Alam ko affected din sila.

“Ayon , parang kanya kanya muna. Si Ash, hindi na namin madalas makasama, si Lorraine naman at si Alice laging magkasama, si Maura lang ang madalas na nakakasama ko. Nakaka panibago nga eh. Hindi ako sanay, Eh kayo ba? Si Mark?”

“Kaming apat palagi sa Bar, pero si Mark? Minsan wala, hindi mo mahagilap.”

“Hindi kaya nakikipag away na yun?”

“Hind naman siguro. Malaki na ang pinag bago ni Mark , Beb.”

Napabuntong hininga na lang si Hera.

“Haii, si Melissa kaya? Asan kaya sya? Wala parin bang balita?”

“Wala parin eh.”

“Beb, mukhang mahal na ni Mark si Melissa nuh?”

Humigpit ang kapit nya sa kamay ko.

“Matagal na siguro yun, itong si Mark masayadong lang nalito, . Tapos ngayon naman na sigurado na sya kay Melissa, bigla naman nawala? Tsk, parang naulit lang yung dati.”

“Huh? Naulit? You mean? Si Mark nagkagirlfriend na sya dati at iniwan din?”

“Mekyla was never her girlfriend.”

“But sabi mo naulit lang?”

Huminto muna ako at nag hanap ng pwedeng maupuan. Nung nakita ko yung vacant na upuan dinala ko sya doon at naupo kami parehas.

“Kahit naman dati, sira ulo na yan si Mark, he bully a lot, tapos biglang may kumalaban sa kanya. Yun si Mekyla, and for the first time, may naka sapak kay Mark.”

Napapangiti pa ako kapag naaalala ko yung itchura ni mark noon, galit na galit, gustong gumati pero hindi naman nya magawang saktan yung babae.

“Talaga si Mark? May nakagawa na noon sa kanya?”

“Oo. Kaya nga nung unang pagkikita nila Mark and Melissa, natawa lang ako, kasi parang inulit lang? noon lang ulit sya nakatagpo ng katapat nya eh.”

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon