Make it REAL

15.9K 239 11
                                    

MELISSA'S POV

"Sinabi ko wag mo akong susunda!"

"Eh bakit ka nagagalit sakin?!"

Leche! tinatanong pa ba yu? kung hindi dahil sa beef broccoli na pinakain nya sakin hindi sana mag-iisip ang mga kaibigan nya ng ganun!! >.<

Pagkatapos kong paghahampasin at bugbugin yung mga yun , umalis na ako! Tapos susunod-sunod naman itong damuhong lalaking ito!

"Aah!! ano ba nasasaktan ako ah! bitiwan mo ako!"

Napatigil ako dahil sa boses ng babae na narinig ko. Pati si Mark napatigil din.

Nakita ko yung babae na nagpupumiglas sa pagkakahawak nung isang lalaki.

"Holo! Yung babae! tulungan natin!" tumingin ako kay Mark, nawala sandali yung pagkaka-inis ko dahil nag-aalala ako sa babae.

"Ano ka ba, baka may LQ lang yan, pabayaan mo nga sila."

Aba! napaka talaga nya!!

"Kung ayaw mo syang tulungan edi ako na lang tutulong. !!"

Tinalikuran ko sya at pinuntahan yung babae na mukhang nasasaktan na.

"hoy! hindi mo ba narinig yung sinabi nya? bitawan mo daw sya, nasasaktan na sya!" sigaw ko sa lalaki.

"At sino ka naman?"

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa! Tapos saka binitawan yung babae.

"Hmm, mukhang mas OK ka naman kesa dito, kaya sige ikaw na lang tutal naki-alam ka na rin."

Lumapit sya at hahawakan na sana ako . Ready na sanang pumitik yung paa ko, subukan nya lang akong hawakan babaliaan ko talaga sya ng kamay.

Nasa ere na yung kamay nya ng may ibang kamay ang naka hawak at ibinalibag ang lalake.

"Don't you dare touch her, kung ayaw mong manghiram ng mukha sa kabayo"

Nakakatakot yung mga mata ni Mark. Parang lalamunin nya ng buhay yung lalake.

"Ack-aah"

Tumingin naman si Mark sakin.

"Ikaw ang hilig mo talagang maki alam at magpaka super hero.! Dun ka nga sa tabi, mapahamak ka pa!"

Hindi na ako agad naka-react sa mga sinabi ni nya.  Bigla naman may malakas na kalabog sa dibdib ko, kinakabahan lang kaya ako?

Tumabi ako at pinuntahan yung babae kanina. May mga lalaking nagdatingan pa. Gusto ko sana syang tulungan na lumaban kaso =_=

"Dyan ka lang"

Hindi nya ako pinayagan na lumapit sa kanila, 

"Mayabang ka ah, tingnan natin yabang mo bata!"

"Tsk, hindi ako bata... puro ka naman satsat dyan,"

Nakatayo lang si Mark, hands inside his pocket pa na akala mo walang problema.

Sinugod na sya nung tatlo pero , nakaiwas lang sya, tapos isang sipa sa dibdib ang ginawa ni Mark sa kalaban nya. Sinipa nya ulit sa tagiliran, sa tyan, sa likod at sa mukha yung mga lalake. May papalo sana sa kanya pero nailagan nya din.

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDWhere stories live. Discover now