Chocolate the MOvie

14.7K 190 8
                                    

MARK'S POV

" OH ito muna gamitin mo, tapos patuyuin mo na lang yung damit mo na basa sa banyo"

Inihagis nya ang malaking t-shirt at jersey. 

Dito ako ngayon sa bahay ni Melissa. Malaki pa ata kwarto ko sa kabuuang ng bahay nya ah., pero malinis at maganda naman. 

Nagpalit muna ako, dahil parehas kaming nagbasa sa ulanan. Paglabas ko , sya naman ang pumasok na may dala ding damit na pamalit.

"Hoy Mark, wag kang papasok sa kwarto ko ah, lagot ka sakin"

"Tsk, bakit ano bang meron dun? siguro may tinatago ka dun nuh?"

"Isa Mark ah"

"Oo na"

Inikot ikot ko naman yung sala at kusina nya, maliit pero malinis. May nakita pa akong isang room, kaya pumasok ako,

'astig talaga 'tong si Melissa, may training room pa sya?'

Gusto kong silipin yung kwarto nya kung malinis din.

May nakita akong room, siguro kwarto na nya, kaya pumasok ako. Nakita ko agad yung tatlong Bear na malaki na binili ko, para sa kanya,.

'hindi naman siguro magagalit yun?'

May nakita akong sobre sa taas ng drawer nya, kinuha ko pero hindi pa sya nabuksan.

"Hoy! Aba! sinabi ng wag kang papasok dito ang kulit! labas nga!" tinulak nya ako palabas pero hindi ako lumabas.

"Eh ano bang meron dito? wala naman ah"

"Kahit na, labas na!" tinulak pa nya ako palabas,.

"Ayoko nga, teka ano name nila?" turo ko sa bears sa bed nya.

"Wala, mommy bear daddy bear lang tawag ko sa kanila, tapos yung maliit si Melissa bear yan , oh ayan labas na."

"Wait, bakit Melissa bear?"

"Bakit ba gusto ko eh,"

"Dali na, bakit nga?"

"kulit! kasi po hindi alam ni Melissa bear ang name ng parents nya. Basta ganun! kulit naman eh"

Lumungkot yung mukha nya pero , ngumiti din ng pilit.

"Ang panget mo ngumiti"

"Ayst! nanlait pa talaga!  teka bakit mo nga pala yan binila? at talagang binigay mo pa sakin? "

"Ang pangit mo kasing sumimangot nun, hindi ko alam pano pagagaanin yung loob mo, nakita naman kitang napahinto sa tapat nila, kaya naisip ko bilin nalang."

Naramdaman ko na yumakap sya sa likod ko. Natuwa ako sa ginawa nya. 

"Huy huy, manyak mo nangyayakap bigla-- aray! ang biolente mo talaga"

"Ang yabang mo! uy pero salamat ah" ngumiti naman sya.

"kanito pala 'tong sulat? hindi mo pa binabasa?"

"huh? hindi ko sigurado, pero parang galing kay Master Lei ata, Binigay yan ni Terenze kahapon? Oo tama kahapon nga ata yun"

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDWhere stories live. Discover now