Mystery

14.5K 175 3
                                    

MELISSA'S POV

Hinatid na din ako ni Mark sa bahay. Sobrang saya ng buong araw ko ng dahil sa kanya.

I was about to open the gate ng may tumawag sa akin.

"Melai!" nang lungunin ko naman, yung tatlo.

"Uy kayo pala, gabi na ah"

"Oo nga gabi na, ginabi ka na din, ikaw porke wala si Master na nagbabantay sayo dumadalas ka ng gabihin" 

"Naku Renz, ano ba, keri ko lang naman matanda na ako, hindi lang halata"

Umandar na naman ang pagiging 'kuya' nya. Sya nga diba kasi ang pinaka matanda saming apat.

"Aba't sumasagot ka na"

"Peace, joke lang naman., umh bakit pala kayo napadaan?" i change the topic baka pagalitan pa ako lalo.

"Yung sulat ba na inabot ko sayo nabasa mo na?"

"Sulat?"

Teka? anu ngang sulat yung sinasabi ni Terenze?

"Oo, may inabot akong sulat sayo, Wag mong sabihin hindi mo pa nabasa?"

"Sulat? Aaah!! Oo na alala ko na! tsk hindi pa eh, bakit?"

"Haii Melai ang ulyanin mo talaga, paano pala kung importe yun? Alam mo bang hindi parin namin alam kung asan si Master tapos wala pa palaging tao dun .

"W-wait lang ah time out lang, chill, HB? Sorry naman kasi lagi kung nalilimutan."

Grabe naman nila ako ratratin. Pero, may point naman kasi sila. 

"Teka, wala pa rin si Master Lei?"

"Oo, at nung dumalaw kami pinaabot yun para sayo tapos hindi mo pa pala binabasa?"

"Sorry na nga diba? promise mamaya bago matulog babasahin  ko tapos ichichika ko sa inyo Promise talaga."

"Sige na pumasok ka na gabi na, tsaka basahin mo na ah"

"OPO"

Pumasok na ako ng bahay, naisip ko naman yung tungkol sa sulat. Para saan ba talaga yun?

Dumiretsyo agad ako ng kwarto at hinanap yung sulat.

'Asan ba yun? saan ko nga ba nailagay yun? hala nalimutan ko pa kung saan ko nailagay.'

Nagkalkal agad ako ng drawer, at ibang mga gamit, kahit sa bag chineck ko din, pero WALA!

'Aagh! kung kailang kailangan saka nawawala, asan ka na kasi.?'

Napahiga na lang ako sa pagod ka hahanap. Kinuha ko na lang si Melissa bear at niyakap., pero may nakapa akong papel kaya kinuha ko naman.

'Ayst! eto ka lang pala!'

Binuksan ko agad pero may narinig akong kumalabog sa pinto ng bahay.

*BLAAAGSSH!!

'Anu yun?'

Tumayo agad ako para puntahan yung kung anong kumalabog. Dahan dahan pa akong lumabas para silipin. Tiningnan ko din yung labas, sumilip ako sa bintana pero wala naman akong nakitang tao o kakaiba.

'Anu kaya yun?'

Binuksan ko naman yung pinto para silipin ang labas,pero wala naman akong nakitang kakaiba. Pero pagbalik ko at pagka harap ko ng pinto may folder na nakabitin sa pinto na may dagger. Tumingin tingin muna ako sa paligid bago kunin ang folder sa pinto.

'Ano 'to? kanino galing 'to? At para saan naman 'to?' sunod sunod na tanong ko sa utak ko.

Pumasok agad ako at naglock ng pinto.  saka dumiretsyo sa kwarto. Hindi ko parin nababasa yung sulat. Parang lagi nalang may hindrance every time na babasahin ko yun..

I open the folder. Lumantad sa harap ko ang mga stolen pictures ko? Mga kuha ng litrato ko. May kuha nung nakikipag-laban kami ni Aaron, meron din yung sa beach kasama sila Ash at yung iba. meron sa university, sa likod ng building, sa rooftop, sa cafeteria, sa park, sa mall, kahit saan may kuha ako!!

'Ano to?! galing ba kasi kanino ang mga 'to?? may nag mamanman ba sa bawat kilos ko? Oh sh*t! this is not good! nakakatakot na 'to! '

Sunod na kinuha ko ang sulat. Ang sulat ay walang dudang galing kay Master.

I started reading the letter. Pero hindi ko sya ma-gets sa una? parang andaming paikot-ikot sa sinasabi.

But, bigla na lang akong natauhan ng mabasa ko ng buo yung sulat. This letter is about ME, my life, my family, my past?

Yung mga dati kong tanong sa isip ko parang unti unting nasasagot but still blurred.

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon