Chapter Five: MOMENTS IN TIME :'>

489 8 2
                                    

"Hi, Kei"

"P-pierre?" kanda utal-utal na sabi niya ng mapagtanto ang nasa harapan.

Natatawa ito. "Bakit para ka namang nakakita d'yan ng multo?"

"W-what are you doing here?" aniya.

(naks makaenglish naman hihi)

Nakita niyang nakaparada ang sasakyan nito sa di kalayuan.

"Wala lang. Hinatid ko kasi si Sanja. Eh, nakita kita, naisipan kong dumaan." nakangiting sagot nito.

Lihim syang natuwa at kinilig sa sinabi ni Pierre. (napadaan lang!! kinilig na kagad? hehehe lantod)

"Weh? Talaga? 'di nga" biro niya.

Natawa lang ang binata.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pareho silang hindi nagsasalita. Siya ay pinagmamasdan lang ang guwapong mukha nito. Samantalang si Pierre ay pinagala-gala ang tingin sa paligid at nakangiting pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa malapit.

"Ahhhh Kei, pabili nito, ito pa at ' yun." turo nito sa kanya ng chees ring, toasted mamon at zest O.

Nagtatakang iniabot niya rito ang mga ito. "Kumakain ka ng mga 'to?" aniya.

Nakangitin umiling ito. Kumuha ng limang daang piso at saka inabot sa kanya. Inabot niya ang sukli ngunit ayaw nitong tanggapin.

"Ah Kei, apat pa nung juice." nakangiting sabi nito.

Nagtataka paring inabot niya rito ang apat na juice. Pasimple sana nyang isasabay ang sukli sa pag abot ng juice ngunit mas lalo itong tumanggi.

"No, Kei. Keep the change." ani nitong nakahawak sa kamay niya.

Nakaramdam sya ng pagkailang nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang balat.

"P-pero...."

"Sige na, please." nakangiting wika nito.

Pagkatapos noon ay nilapitan nito ang mga batang naglalaro at ibinigay sa mga ito ang biniling pagkain. Napakagenerous nito.

"Ang sasaya nila, no?" wika ni Pierre.

"Oo nga eh," tipid niyang sagot.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Na parehong masayang nakatingin sa mga batang masayang kumakain sa bigay ng binata.

Mayamaya pa ay tumikhim ang binata.

"Ah Kei, I'll go ahead." paalam nito. "I'll see you at the campus."

"O-okay." kiming sagot niya.

Nginitian lang ni Pierre si Keisha bago lumulan sa sasakyan nito.

PEIRRE's POV

NUNG PAGKAHATID KO KAY SANJA NAGPAALAM NA RIN KAAGAD AKO DAHIL KAILANGAN KO MAGMADALI MAY PRACTICE PA KAMI. PERO NUNG MAPADAAN AKO SA KANTO NILA KEI AT MAKITA KO S'YANG NASA TINDAHAN NILA I DON'T KNOW, PERO BIGLA KO NALANG NAISIP NA PUNTAHAN SYA. NAKITA KO SYANG NAGBABEBENTA SA ISANG ALE.

MATAGAL NA AKO SA HARAP NYA PERO PARA SYANG TULALA AT HINDI AKO NAKIKITA KAYA NAGKAROON AKO NG PAGKAKATAONG PAGMASDAN SYA. SIMPLENG TSHIRT AT MAY MANTSA PA NG KUNG ANUNG NATAPON DITO, SIMPLENG NAKAPUSOD LANG ANG BUHOK NYA PERO ANG GANDA PARIN NG MUKHA NIYA. HINDI NA NYA KAILANGAN PANG MAGMAKE-UP UPANG GUMANDA DAHIL MAGANDA NA ITO SA SIMPLE NITONG PARAAN. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NITONG MGA NAKARAANG ARAW SYA ANG PUMAPASOK SA ISIP KO. HAYYY

Balik na tayo sa flow ng story 

Pinagmasdan nalang ni Keisha ang papalayong sasakyan ni Pierre hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

Destined To Be MineWhere stories live. Discover now