Chapter Fifteen:

552 13 6
                                    

NAG-AARAL si Keisha sa library nang biglang may lumapit na isang estudyanteng babae sa kanya. Nakilala niya ito bilang Kristine, kasamahan niya ito sa isang org. na sinalihan niya.

Ngumiti ito sa kanya.

"Excuse me, Keisha. May gustong kumausap sa'yo."

"H-huh?"

"Room three-five-seven. Hihintayin ka raw niya roon."

Napakunot-noo siya.

"Sino?"

"Ayaw niyang ipasabi, eh."

"Ngayon na?"

"Oo, Basta puntahan mo nalang daw siya ro'n,"

.....Sino kaya 'yon?....

Tumango siya saka nginitian ito.

"Thank You, ayusin ko lang gamit ko."

"Ah, Sige mauna na ako."

Pag-alis ni Kristine ay saglit siyang nag-isip.

....Sino naman kaya 'yon. Kalourkey ha pa misteryoso ang peg....

Masyado siyang naiintriga sa taong iyon.

Nagtataka man, tumayo na rin siya at isa isang ipinasok sa bag ang gamit niya. Dinaanan muna niya si Jas na naghahanap ng libro sa bookshelf at nagpaalam siya dito.

"Beks, una muna ako."

"Huh? Tapos ka na? Mamaya pa next subject ah."

"Eh sabi kasi ni Kristine may gusto raw makipag usap sa akin."

"Eh, sino raw 'yon?"

"Hindi sinabi ni Kristine, eh."

"Aba, masyado namang pa-mysterious effect 'yon," nakataas ang kilay nito. "Baka naman admirer mo."

"Gaga, admirer ka dyan."

"Oh my geee! Baka naman sila Sanja lang yan!"

"H-hindi naman siguro, mukhang hindi naman."

"Naku beks, ha! Kapag sila lang 'yan hmmm mapapaaway talaga 'ko."

"Salamat ha! Hmmm sige, iwan muna kita. Mabilis lang ako."

Paglabas niya ng library ay agad siyang pumunta sa West Wing ng campus para pumunta sa Room 357.

Nasa 4th floor ng building ang Room 357 kaya naman halos hingalin sya pag-akyat.

Habang papalapit ay kinabahan siya. Nasa isip niyang iisa lang ang pwedeng kumausap sa kanya at si Sanja 'yon.

....Si Sanja nga kaya? Bakit? Alam na ba niya ang tungkol sa exhibit? Wala naman ako ginagawang masama. Kung siya man yon ok makikipag usap ako ng matapos na....

Pagdating niya sa harap ng Room 357 dahan dahang pinihit niya ang seradura. Tahimik siyang pumasok sa loob.

Nagulat siya ng hindi si Sanja ang nakita niya kundi si Pierre.

Nakatayo ito sa gitna.

Nakabasketball jersey pa ito.

Bumuntong hininga ito na parang hindi alam ang sasabihin.

Inalalayan muna siya nito para umupo sa isang upuan.

Mayamaya ay binuksan nito ang knapsack nito na nakapatong sa isang upuan at inilabas ang news paper.

Siya naman ay napabuntong-hininga nang iabot nito sa kanya iyon. Parang alam na niya ang kanilang pag-uusapan.

"Alam ko na ang tungkol dito."

"What can you say about this?"

Tumingin siya ng deretso rito.

"I-i don't know. Naisip kong mas lalo akong hindi makakakilos ng normal ngayon because of that. Pakiramdam ko palagi akong pinag-uusapan rito."

"Bakit mo sila papansinin?" inilapag nito ang news paper. "Ang mahalaga.....tayo...tayong dalawa diba."

"Hindi sa gano'n, Pierre," protesta niya. "Don't you get it? I dont have the right para.... para...arrrgh basta! Magkaibang-magkaiba tayo."

Nagsalubong ang mga kilay nito.

"And who said that? Mali ka Kei."

"No, Pierre. Hindi ka ba nahihiyang makita na kasama ako? Pinag-uusapan ka na ng mga tao, tayo."

"I don't care! I don't need them! Wala akong pakialam sa opinyon nila. Masayo kapag kasama ka!"

Napailing siya.

"Awa lang 'yan, hindi tayo pwedeng maging magkaibigan"

"Dahil yan ang iniisip mo."

"Dahil 'yon ang totoo!"

Natigilan ito. Siguro dahil wala itong mahagilap na sasabihin. Dahil siya ang tama doon. Hanggang sa tuluyan nang tumulo ang mga luha niya.

"Salamat sa lahat, Pierre," aniya na naghanda na sa pag-alis. "Okay na rin 'to para walang masaktan alam kong masasaktan si Sanja sa mga issues na lumalabas at ayaw kong isipin nilang totoo ang iniisip nila."

Paglabas niya pumunta kagad siya sa comfort room. Nagkulong siya sa isang cubicle doon. Hindi siya lumabas doon hangga't hindi nauubos ang kanyang mga luha.

Gusto niyang batukan ang sarili nang mga oras na iyon.

**

click VOTE and post a COMMENT if you have any suggestion.. ANO NA KAYANG MANAGYAYARI KINA KEI AT FAFAP? :(

Destined To Be MineWhere stories live. Discover now