Chapter One: PANAGINIP

985 5 2
                                    

SA ISANG napakagandang lugar na napapalibutan ng iba't ibang klaseng naggagandahang bulaklak at may pumapainlanlang pa na romantikong awitin sa ere ay naglalakad si Keisha. Siya ay nakasuot ng simple at eleganteng gown.

May matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang ang mga mata niya ay tila may hinahanap. Hanggang sa makita niya sa di-kalayuan ang isang bulto. Ang kanyang prinsipe --- si Pierre Cruisse.

Ang guwapo nitong mukha ang kanyang tinititigan. Lumapit ito sa kanya at inabot ang kanyang mga kamay upang magsayaw.

Sa gitna ng hardin ay isinayaw siya nito.

Tumigil ang kanilang pagsasayaw. Tumitig ito sa kanya ng diretso. Mayamaya pa ay dahan-dahan itong yumuko at hinalikan ang mga labi niya.......

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"KEISHA!"

Napabalikwas ng bangon si Keisha sa higaan ng marinig ang malakas na boses ng inang si Josie. Sinira nanamaman ng kanyang "alarm clock" ang napaganda nyang panaginip.

Hinagilap ng kanyang kamay ang tandayan at tinakpan ng unan ang kanyang mga tainga dahil sunud-sunod na ang pagtawag ng kanyang ina sa kanyang pangalan. Pati siguro ang mga natutulog na kapitbahay ay nabulabog na sa lakas ng boses nito.

"Keisha, anu ba? Bumangon ka na d'yan at malalate ka na. Tanghali na." sa ng ina.

"Opo, andyan na po!" aniya.

Bumangon na siya at sinimulan nang ayusin ang kanyang higaan. Kinuha niya sa ilalim ng unang ang litrato ni Pierre na binigay ng bestfriend niya. Hindi nya mapigilang kiligin sa tuwing nakikita ang guwapong mukha ni Pierre.

Ang mapupungay nitong mata, makinis na kutis, matangos na ilong at mapuputi at pantay pantay na ngipin. Kaya't walang duda kung tawagin itong "Campus Heartthrob" dahil totoo naman.

Naalala nyang Huwebes ngayon, ibig sabihin makikita niya si Pierre. Kaklase niya ito sa isang subject.

At her age, ngayon lang siya nakaramdam ng ganong pahanga sa isang lalaki. To the point na inalam niya ang lahat ng impormasyon tungkol dito. Labing siyam na taong gulang din ito, nakatira sa Corithian Garden. Ang pamilya nito ang major stocks holder ng unibersidad kung saan siya scholar.

"Keisha, aba bilisan mo diyan at pakidaan mo na ito kanila Mrs. Geronimo!"

Si Mrs. Geronimo ang ina ni Sanja, ang girlfriend ni Pierre. Ang kanyang ina ang labandera nila Mrs. Geronimo na tinutulungan niya paminsan. Kahit maliit ang kinikita nito ay hindi naman sila kinakapos. Palibhasa ay scholar siya baon lang ang tanging problema nila. Graduating na siya sa kursong Applied Mathematics sa taong ito.

Mabilis syang nag-ayos at nagbihis. Pagkakain ng agahan ay nagpaalam na siya sa ina.

"Dalhin mo na ang mga ito."

Ang bag na iyon ay puno ng mga nilabhang damit na alam niyang karamihan ay kay Sanja, palibhasa ay nasa ibang bansa ang ama kaya sunod sa luho.

Siya naman ay okay na sa simpleng maong at T-shirt. Pero hindi siya nagrereklamo dahil iniisip nya na sa oras na nakapagtapos siya at makapagtrabaho ay mabibili din nya ang anumang naisin nya.

"Ikaw na rin ang kumuha ng bayad, 'Di ba mayroon kang dapat bilhing libro. Hatiin mo muna ang ibabayad ni Mrs.Geronimo para mabili mo 'yon."

"Opo 'nay." at nagpaalam na siya rito.

Ilang kanto lang naman ang layo ng bahay ng mga Geronimo sa kanila. At sa lugar nila isa ito sa pinakamalaki ang bahay.

Mayamaya pa ay narating na niya ang bahay nila Mrs.Geronimo nakita niya ang bagung-bagong itim na Ford na nakaparada sa tapat ng bahay ng mga ito. Alam niya na kaagad kung kanino ito, kay Pierre.

Saktong magdo-dorbell siya nang bumukas ang gate. Lumabas mula doon sina Sanja at Pierre. Ganon nalang ang lakas ng kaba niya nang makita ang guwapong mukha ng binata.

"Oh, Kiesha. Bakit ngayon ka lang? Tagal mo! Andyan pa naman ang gusto kong suotin ngayong araw." angil ni Sanja.

"A-ah eh, k-kasi ngayon lang natapos ng Inay." nahihiyang sagot niya at dahil hindi siya makatingin ng diretso, tanging ang mga braso lamang ni Sanja na nakapulupot sa nobyo ang nakikita niya.

"Whatever!"

"P-pasensya na talaga." hinging paumanhin niya.

"Eh, ano pa nga ba! Sige na nasa loob si Mommy tawagin mo nalang. Let's go, hon." sabi nito.

Ngumiti lang sa kanya si Pierre na para bang sinasabing pagpasensyahan mo na si Sanja at inalalayan na nito ang katipan papasok ng sasakyan.

EH ANU PA NGA BANG MAGAGAWA KO? S'YA ANG AMO. isip- isip nya.

Bago makapasok ng tuluyan sa kotse si Pierre ay narinig pa niyang sinasabi nito sa nobya na isabay na siya, ngunit tumangi ito at parang walang narinig.

(Hmmmm. . . Simula pa lang may Bi#ch na  Ano kayang magandang gawin sa BRUHA? Any suggestion?  Hanggang dito nalang muna po)

MORE COMMENTS & LIKE THE BETTER hihihihi

Destined To Be MineWhere stories live. Discover now