Chapter Thirteen: A NIGHT WITH OLIVIA D'ABOVILLE

453 12 5
                                    

TUWANG-TUWA si Keisha sa pinahiram na Tiered dress with a cutout neckline ni Sanja. At pinarisan niya ng strappy metalic sandals na pinahiram naman ng pinsan ni Jas.

At katulad nung party kanila Pierre, pinili niyang maging simple para sa debut party ng kapatid ni Margaux.

"Keisha, anak, sige na. Lumakad ka na't baka mahuli ka pa," sabi ng ina.

"Opo, Inay,"

Wala siyang sinayang na oras. Sumakay na siya ng taxi at nagpahatid sa bahay nila Margaux sa Dasma Village.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Pilit niyang kinalma ang sarili.

"Eeeek relax birthday party lang naman 'yon." sabi niya sa sarili.

Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa bahay nina Margaux.

Nanlalamig ang mga kamay niya nang pumindot siya sa doorbell ng gate. Isang naka-uniform na maid ang nagbukas ng gate.

"Ano pong kailangan nila?" sabi ng katulong.

"Magandang gabi po dito po ba nakatira si Margaux?" tanong niya.

"Oo dito nga. Sino sila?"

"Ako po si Keisha, kaklase ni---"

Hindi na niya natapos ang sasabihin ng may magsalita mula sa main door at sinabing papasukin na siya.

"Ah sige, tuloy ka." sabi ng katulong.

Kinakabahan siya habang papunta sa front door.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay dinala siya ng katulong sa sala at pinaupo muna.

Nagtataka sya kung bakit walang tao sa kabahayan. Nang mayamaya ay lumabas mula sa isang pinto sila Sanja at Margaux.

Nagulat siya sa mga ayos nito. Hindi man lang nakabihis. Nakashort shorst at T-shirt ang mga ito. Mas mukhang magmo-mall lang ang mga 'to.

Nagtawanan lang ang dalawa na ikinapagtaka niya.

"Tsk tsk tsk. Hay naku ang bilis mo palang mauto." sabi ni Sanja.

"Ganyan ka ba katanga gurl?" sabi naman ni Margaux.

Natatawang umiiling naman si Sanja. At syay walang maapuhap na isasagot sa dalawa dahil sa pagkabigla. Tanging naguguluhan at nagtatan0ng na ekspresyon ng mukha ang magawa nya.

"Hmmm ang ganda ng suot mo ah, bagay sayo." patuyang saad ni Sanja.

Napaurong siya at hindi niya akalaing niloloko lang pala siya ng mga ito.

"W-walang party? At lahat ng ng 't-to p-para pagtripan nyo lang ako?" nagpipigil ng luhang tanong niya.

"Meron naman girl next month mga lang but I don't think na mate-take ko presents mo." patuyang sabi ni Margaux.

"Alam mo kasi na kahit anong gawin mo hindi ka mabe-belong sa mundo namin di'ba so bakit sinusubukan mo pa?" sabi ni Sanja.

Malapit nang tumulo ang mga luha niya pero pinipigil lang niya.

Tumalikod siya at patakbong lumabas ng gate. Habang palabas ay naririnig pa niyang nagtatawanan si Sanja at Margaux.

"Walang dapat sisihin kundi ako. Naniwala ka kasi agad." inis na saad niya sa sarili.

Lakadtakbo ang ginawa nya para lang makaalis sa lugar na 'yon. Pero sadayang malaki ang Dasma Village kayat hindi nya alam ang daan palabas. Habang naglalakad ay napansin niya ang isang lalaki na nakasadal sa nakaparadang itim ng Ford Everest. Nakayuko kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nasemiformal attire 'to.

Destined To Be MineWhere stories live. Discover now