Chapter Twelve:

377 6 2
                                    

SA ISANG sulok ng ballroom ay tahimik na nakamasid si Pierre kay Keisha habang kausap nito ang kanyang lolo.

Literal na napatanga siya sa ayos nito. Lumitaw ang natural na ganda nito. Bagay rin dito ang simpleng make-up na in-apply nito sa mukha.

He felt so proud of her when he introduced her to his grandfather. Alam niyang nagustuhan ng kanyang lolo ang dalaga dahil enjoy na enjoy ito sa company ng dalaga.

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung kailan nangyari ngunit sa tingin niya ay unti-unti nang naguhulog ang loob niya kay Keisha.

Kanina ay nag-away sila ni Sanja. Then she broke up witi him. Nagalit ito dahil sa kabila ng pagtutol nito ay dumating parin ito sa party si Keisha.

He told Sanja that she was just being paranoid about the whole thing. Nagbanta pa ito na hindi tatapusin ang party kapag hindi niya pinaalis si Keisha.

He had enoug. Sinabi niya rito ma wala siyang pakialam kung anuman ang gustong gawin ni Sanja. She slapped him on the face then left the party fuming mad.

Napabuntong-hininga nalang siya. Inayos ang kanyang sarili at naglakad papunta kay Keisha.

"CAN I have this dance?" sabi ni Pierre

***waaaaa ang pusong KimXi ko 

"Can I have this dance?"

"Can I have this dance?"

"Can I have this dance?" paulit ulit na narinig ng dalaga sa isipan nya.

Mula sa pagkakatingin sa matandang Cruisse ay ibinaling niya ang kanyang mata kay Pierre na siyang nagsalita.

Nakaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi.

Hindi na hinintay ni Pierre na sumagot sya.

Hinawakan niya ang dalaga sa siko, at pagkatapos humingi ng permiso sa lolo niya.

Tumango naman ang matandang Cruisse hudyat nang pagpayag nito.

Dinala ni Pierre sa gitna ng dance floor si Keisha. Inilagay niya ang mga kamay sa baywang niya.

Habang si Keisha naman ay nakahawak sa mga balikat ng binata.

Kahit hindi sila gaanong makalapit, ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nila. Hindi rin maipaliwanag ang sobrang bilis ng tibok ng puso niya nang mga sandaling iyon.

Mayamaya ay narinig niyang tumikhim ang binata.

"Ahm, siguro hindi ka pa naipasyal ni Lolo sa garden."

"O-oo" tipid na sagot niya.

"Do yu want me to take you there?"

Nahihiyang tumango siya. "Sure."

Inalalayan siya nito palabas ng ballroom. Umupo sila sa isang bench nang makarating sa malawak na garden.

Napaka-romantic ng atmosphere. Maliwanag ang sinag ng buwan at may mga bituing nakatunghay sa kanila.

"So, How did you find my lolo?" tanong nang binata.

Ngumiti lang siya rito.

"Okay naman siya. Mabait sya."

"Sobra." nakangiting tugon ng binata.

"Magaan kaagad ang loob ko sa kanya." dugtong pa niya.

"I'm glad you like him. Gusto kong magkalapit kayo."

"Gusto kong magkalapit kayo."

"Gusto kong magkalapit kayo."

"Gusto kong magkalapit kayo. Ano daw? Anong ibig niyang sabihin?" bulong niya.

Destined To Be MineWhere stories live. Discover now