UL CHAPTER 9

464 11 20
                                    


CHAPTER 9

NICOLE CAY

Nakakainis! Ang lalandi! Naiirita na ako sa presensya ni Koleen. Alam mo yung halatang halata na nakikipag-plastikan lang siya. Kainis! Nung isang araw, binangga niya ako pero pinalagpas 'ko lang kasi kasalanan ko din naman kasi hindi ako nakatingin sa daan. Tapos natapunan niya ako ng juice. Madalas niya akong barahin. At kahapon naman pinatid niya ako, kung hindi lang ako nahawakan agad ni Justin baka sumubsob na ako.

"Okay class. Quiet. Ilang weeks na ang nakalipas and I hope tapos niyo na yung project niyo." Sabi ni Ma'am. She's talking about the Yarn project. By partner.

Oh no. Nararamdaman kong bagsak na naman ako nito sa Home Economics. Pagagalitan na naman ako ni Mama. Nung first quarter, ang baba ng grade 'ko sa subject na 'to. Isama mo pa ang music. Kairita!

I raised my hand "Ma'am hindi pa po ako tapos. I mean kami." I said, sumang-ayon naman sakin ang mga classmates 'ko. Naramdaman kong napatingin sa akin si Matthew. I can feel his presence.

"Then double time. Hindi na pwede imove ang deadline. Nagbigay na ako ng enough time para matapos niyo yan. Okay. Pumunta kayo sa partner niyo at gawin yung project." No choice. Tumayo ako at dumiretso kay Matthew. Napansin kong sumama yung tingin sa akin ni Koleen. Aba, tusukin ko 'yang mata mo eh.

"What are you doing here?" she asked. In her maarte tone. Tinasaan 'ko lang siya ng kilay.

"He is my partner." I said then I smirked.

"I will tell Miss na baguhin yung partner thingy na 'yan." She said. Tatayo na sana siya kung hindi pa siya hinawakan ni Matthew. Umiwas ako ng tingin. Parang hindi ko kaya na tumingin. Nasisilaw ako. Maharot alert!

"Its okay Koleen. Tanungin mo na lang kay Ma'am kung paano ka makakahabol sa project." Matthew said. Take note, he is using his sweet tone. Naramdaman kong umalis si Koleen kaya tumingin ako.

"Magdamag ka lang na tatayo diyan?" Sabi niya. Ngumuso ako sa kanya. Grabe, kapag kay Koleen, sweet. Kapag sakin, masungit? Nasaan ang hustisya!

Napairap na lang ako at nag-make face. Nako Matthew! Kapag ikaw naging sakin hinding hindi na kita pakakawalan. Sinasabi ko sayo.

Sinimulan na namin yung project. Nahirapan pa nga ako eh. Kasi syempre may mga pako pako pa. Tapos yung sticks. Wires. Ugh. Stressful project so far. Ang gagawin kasi naman parang mat or mini carpet using yarn. Daming pauso. Kairita.

"Ouch!" napahawak agad ako sa kamay ko. Naramdaman kong umaagos na ang dugo sa kamay 'ko. Natusok kasi ng stick. Stupid Nicole!

"Anung nangyari?" ayokong mag-assume pero nag-aalala ba si Matthew sakin? Pinilig ko ang ulo ko.

"W-wala. Sige ipagpatuloy mo na lang 'yan." I said. Kinapa ko yung bulsa ko pero wala akong panyong dala. Kainis naman. Nagulat ako ng biglang kunin ni Matthew yung kamay ko. Ang hapdi. Naiiyak na ko. Pakiramdam ko ang lalim ng sugat. Tinignan muna ni Matthew yung kamay ko sabay pinunasan niya ng panyo. Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang niya itong binuhusan ng alcohol. As in alcohol!

"Aray! Bwisit ka Matthew!" naiiyak kong sabi. Kaya ayokong magkasugat eh. Di ko mapigilang umiyak. Napatingin sa amin ang lahat. Included, Jeremy, Justin and Koleen.

"I hate you Matthew! Lagi mo na lang akong sinasaktan!" Huli na bago 'ko ma-realise ang sinabi 'ko. Pero anong magagawa ko? Nasaktan ako eh. Kinuha niya pabalik yung kamay ko at hinipan niya.

"Kailangan kasi nating lagyan ng alcohol para hindi ma-infection. Wag ka ng umiyak. Sorry na." double meaning rin ba yung sinasabi niya? Na sorry? Ayokong mag-assume.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon