UL CHAPTER 3

631 18 7
                                    

CHAPTER 3

NICOLE CAY

Isang oras na lang ay maguuwian na, ibig sabihin. Favorite subject 'ko na!

"Okay, since malapit na ang quarterly exam niyo. Magbibigay na agad ako ng project. Medyo mahirap 'to so kailangan niyo ng partner." sabi ni Ma'am Roque. Our Home Economic teacher.

Mahina kong sinipa yung upuan ni Vianna. "Mama Bear, partner tayo ah." sabi ko sabay ngisi. Tila walang emosyon itong tumango. Alam niya kasi ang iniisip ko. Since Home Economics ang subject and its all about bahay and pangkabuhayan, siya ang pinaka-perfect nakapartner dun. Dahil masipag siyang tao.

"So, pumili na kayo ng partner niyo. Now." sabi ni Ma'am kaya pumunta agad ako kay Vianna. Pero sumigaw agad si Irene.

"Ma'am! Si Nicole po nagre-request! Kung pwede daw po ba si Matthew yung partner niya!" sigaw nito sabay ngisi. Kaibigan ko 'yang si Irene. Sadyang mapangasar lang. At ako lagi ang pinagt-tripan.

"Oo nga, dun ka na lang." pagsang-ayon ni Vianna.

"Nako. Kay mama bear na 'ko. Alam ko namang tatanggihan na naman ako ng bebe boy ko eh." nakanguso kong sigaw. Nagsitawanan sila. Maski si Vianna ay natawa rin.

Totoo naman kasi eh. Kahit mahal na mahal ko yun at kahit gusto ko siyang magig kapartner, hindi pwede. Dahil ayaw niya. Lagi niyang sinasabi kesyo may kapartner na daw siya. Hindi daw siya gagawa.

"Its okay with me" sabi ni Matthew na ikinatahimik ng lahat. Ako ngayon nakanganga. As in. Expect the unexpected. Isang Matthew Mondragon, pumayag? WOW. Lumapit agad ako sa kaniya at hinipo ang kaniyang noo. Hindi naman siya nilalagnat—

"Wala akong sakit okay?" sabi nito.

"Kung wala kang sakit eh di... Hala! Ma'am may sumapi kay Matthew! Hindi ito si Matthew Kyle!" sigaw 'ko at inalog-alog 'ko siya. Sino 'man ang mabait na espiritu na sumapi kay Matthew, please wag ka ng aalis diyan.

"Ugh woman! Your too loud!" reklamo nito kaya napatahimik ako. Deep inside, kinikilig ako.

"Yie, bebe boy, aminin mo na, gusto mo talaga ako maging kapartner. Ayos lang aking irog." Kinikilig 'kong sabi sabay kiliti sa kanyang tagiliran. Inirapan niya ako.

"Tss." isnabero talaga 'tong lalaking 'to. If I know, nahuhumaling na siya sa aking alindog.

"Okay, settle down class. So, school na yung magp-provide ng yarns niyo. Tulungan dapat doon ah. Wag umasa sa isa. Fall in line outside by partner" sabi ni Ma'am. Yung iba excited. Ako, sobrang saya 'ko dahil si Matthew ang kapartner 'ko pero hindi 'ko maiwasang kabahan. Kasi tamad din si Matthew! Tulad 'ko!

"Oy ano? Dyan ka lang? Di ka sasama?" sabi ni Glenn sabay tulak. Isa sa mga kaibigan ko. Friendly ako eh.

"Tara na nga!" sabi ni Matthew sabay hila sa akin. Ang hilig niya talagang manghila, gusto niya lang naman talagang hawakan ang kamay 'ko.

"HHWW eh?" napalingon ako sa nagsalita, si Irene na naman. Isa sa mga boto sa amin ni Matthew. OTP daw kami.

"Shh. baka bitiwan." bulong ko sabay hagikgik. Tumawa naman sila.

NASA Home Economics room kami ngayon. Dito daw kasi ibibigay ang mga yarns. Grabe. Buti di ako nahuhulog sa hagdan habang bumababa kami, nakatingin lang kasi ako sa kamay namin. Pero sana si Matthew na lang ang mahulog. Mahulog sakin.

"Oh, ano na naman yang iniisip mo?" sabi ni Vianna sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"W-wala." namumula kong sabi.

"Psh. Its either, nakakahiya yan or kay Matthew na naman." balewala nitong sabi.

"Che. Di tayo bati, pinamigay mo ko." Pabiro 'kong sabi at may irap pa.

"Tss. Echosera ka! Di kita pinamigay. Kusa mong binigay sarili mo." napangiti ako sa sinabi ni Vianna.

"Oo na." eh kasi naman eh. Ngayon lang ata kami nagkapartner ni Matthew sa school activities. Ayaw niya kasi talaga akong lapitan. Daig 'ko pa ang taong may nautangan ni Matthew kung makaiwas siya sakin.

Pinamigay na yung mga yarns. Syempre agawan para magandang kulay yung makuha pero sadyang napakamalas namin ni Matthew, sa kaniya anim na pale yellow ata yun. Tapos akin anim na orange. So, nakipag-exchange pa kami. Sa wakas, magaganda naman yung nahingi namin.

"Okay na lahat? Kapag kulang, kayo na ang mag-provide niyan." sabi ni Ma'am.

"Sa tingin ko kulang." sabi ko kay Matthew.

"Eh di bumili ka." Balewalang sabi nito.

"Ako lang?" mataray 'kong tanong.

"Kung ayaw mo eh di tayo na lang." sabi nito.

"Tayo?" napangisi ako.

"Oo." Sabi nito.

"Tayo?" tanong 'ko ulit.

"Oo nga, tayo na nga ang—" pinutol ko yung sasabihin pa ni Matthew.

"Tayo na?! Talaga?!" malakas kong sabi kaya napatingin sila sa akin.

"Sila na daw!" sabi ni Irene.

"Ang agang humarot ah!" pang-aasar ni Vianna.

"Nako! magb-break din yan!" sabi ni Aila.

"Bitter mo! Hindi ka ba pwedeng maging happy sa kanila?!?" sabi dito ni Daniel.

"Hindi! Kasi kaibigan mo si Matthew, at mas maharot ka kesa sa babae. Eh di ibig sabihin nun ganun din si Matthew!" gigil na gigil na sabi ni Aila.

"Dont believe her." sabi ni Matthew kaya napanguso ako. Epal.

"KJ mo. Naisahan lang kita eh." sabi ko

NAPAGUSAPAN namin ni Matthew na siya na ang bibili ng yarns. Pero may kundisyon, bigyan ko raw siya ng maraming loaded, yung junk food na chocolate. Matakaw yun dun eh. Kahit masakit ang ulo 'ko ay sumama pa rin ako sa grocery para makabili ng loaded ni Matthew.

"Oh, ano pa kailangan mo?" tanong ni Mama.

"Ah mama! Pwede po ba akong bumili ng pagkain?" sabi ko sabay beautiful eyes pa.

"Katakaw takaw mo, hindi ka naman tumataba. Hala, sige kumuha ka na dun." sabi ni Mama. Yes! Minsan lang.mag-ganyan si Mama. Lubusin na!

Dahil loaded lang talaga ang habol ko, kumuha ako ng tatlong malalaki. Oh yes. Sana talaga maraming binili si Matthew na yarn. Kundi nako. Pinapapalunok ko sabay sabay sa kaniya 'to. Pabalik na ko kay Mama ng mapadaan ako sa beverages at may nakita ako... Mogu-mogu, yung inumin na may Nata de Coco. May naalala ako kaya kinuha 'ko agad ito.

"Oh, kailan mo pa nahiligan ang loaded?" tanong ni Mama.

"K-Kanina lang po!" nakangiti kong sabi. Pumunta na kami sa counter at nagbayad.

Paguwi sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto dahil sobrang sakit ng ulo 'ko at nahihilo pa ako. Pakiramdam 'ko ay lalagnatin ako. Siguro dahil sa nabasa kami ng ulan, sana hindi magkasakit si Matthew.

"Oy Nicole! Matulog ka na at may pasok ka pa bukas!" puna ni Ate.

"Mamaya na."

"Lagot ka na naman niyan kay Mama! Ang hirap mo pa naman gisingin! Papatayin na yung wifi!" sabi ni Ate. Di na lang ako nagprotesta at binaba na lang ang cellphone 'ko. Nagdalasal ako at natulog na.

9�.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon