UL CHAPTER 26

240 11 0
                                    


CHAPTER 26

NICOLE CAY

Buti na lang nakasama ko si Matthew kundi magiiyak lang ako sa tabi ngayon.

"San tayo?" tanong ko habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ng abnormal na 'to dahil hinila niya na ko bago kami makaalis ng mcdo.

"Ah... Ano... Arcade muna." tinaasan ko siya ng kilay. Arcade? Ano namam ang gagawin ko dun?

"Akala ko ba magpapasama kang bumili?"

"A-ay oo nga pala. Samahan mo muna akong bumili ng cellphone bago T-shirt." Sabi nito bago ako hinila papunta. Rich kid talaga 'to eh.

Pagkapasok namin sa cyberzone agad siyang namili nang phone kaya habang naghihintay ay tumitingin ako ng camera. I want to buy instax camera. Hay.

"What about this?" Pakita sa akin ni Matthew nang iphone6... IPHONE6!?!

"Seriously!?"

"Uhhh. Yes?" Alanganin nitong sabi. Grabe. Iba talaga ang RK.

"Go for it Matthew! Bilhin mo na Dali!" Nakangiti kong sabi. Aba, pwede na rin pang-selfie selfie yun. Iiling iling na lumapit si Matthew sa babae at kinausap ito.

After a minute ay nabili na ni Matthew yung iPhone. Niyaya muna niya akong kumain.

"Saan tayo?" Tanong niya.

"Sa Red Ribbon na lang tayo." Sabi ko at hinila siya papunta dun. Ewan ko ba, parang komportable na 'ko sa kanya. Hindi na ko nahihiya. I think dahil nagiging close na kami.

Habang nakapila kami napatingin ako sa babaeng nagiisa sa sulok na nagsasalita sa harap ng phone niya na halatang nivi-video niya ang sarili niya. Creepy. Kinalabit ko agad si Matthew.

"Lipat tayo." Bulong ko. Kumunot ang noo nya at tumango na lang.

"SO... Ayos na ba gamit mo?" Tanong nito. Nilunok ko muna ang nginunguya kong pagkain bago magsalita.

"Nung isang araw pa 'no!" Pagmamalaki ko.

"Di halatang excited ka ah. Oh Dali lapit! Binyagan na natin 'to." Sabi ni Matthew at hinatak ako papalapit sa kanya.

Itinaas niya yung iPhone niya at nagsimula na kaming mag-selfie.

Napangiti ako ng palihim. Shet! Kinikilig ako! Jusko! Tulungan niyo ako. Ganito kalapit sa akin si Matthew? My gosh!

May jowa ka na.

Kumunot ang noo ko. Shit! Masyado akong natuwa. Naalala ko naman si Joshua. May kung anong lungkot na humaplos sa puso ko.

Napatingin ako sa phone ko nang sunod sunod na notification ang dumating. Agad ko iyong dinamot at binuksan.

Halos lumundag ang puso ko ng makita kong tinag ako ni Matthew sa picture namin. Oh my gosh! Seriously!?

"Matthew Kyle Mondragon: Baptismal of my new baby with this girl. #Iphone6 - with Nicole Cay Del Rosario ---- feeling thankful"

1516 likes 808 comments

Shit! Yung heart heart ko! Mygosh! At bongga ah! Wala pang isang oras libo na agad ang likes! Naks! Peymus talaga si Matthew!

Ni-scroll ko yung pictures at tumambad sa akin ang nangungunang comments ng mga kaibigan kong baliw.

"Mariella Sy: Kayo na ba ang magpapatunay ng forever? #Landi"

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon