UL CHAPTER 31

172 8 2
                                    


CHAPTER 31

NICOLE CAY

Nakatanaw lang ako sa labas ng van ngayon. Sinundo kasi kami nina mama sa airport. Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan yung nangyari sa eroplano kanina. Mixed emotions eh. Kinikilig na naiinis na ewan and I hate it.

Imagine niyo hinalikan... or nahalikan ako ni Matthew! He kissed me! Siguro kung dati 'to nangyari, baka kinaladkad ko na si Matthew paputang simbahan para panagutan ako. Pero iba na kasi ngayon eh.

"Kamusta naman ang bakasyon niyo?" Tanong ni Tita Daphne, Matthew's mom.

"Okay lang tita. Masaya!" Sabi ni Mariella

"Pero mas masaya si Nicole. Diba Nicole?" Pukaw sa akin ni Vianna. Napangiti naman ako nang maalala ko yung dream concert.

"OMG! TITA! MAMA! DI KAYO MANINIWALA SWEAR, PERO NAKAPUNTA KAMI SA DREAM CONCERT! AHHHH! TAPOS, KILALA AT BINABATI PA AKO LAGI NINA JIMIN HABANG NAGPPERFORM! OHMYGOSH!" Sabi ko habang pinaghahampas si Kaiser na siyang katabi ko. Oo si Kaiser hindi si Matthew. Ayoko nga. War pa kami eh. Buti na nga lang tumabi sa akin 'to eh. No choice siya, si Vianna ang nagsabi. Siya ang batas.

"Really? Paano kayo nakapunta?" Tanong ni mama. Napatahimik ako doon. Sa totoo lang, wala pa rin akong idea kung paano kami nakapunta. I mean, wala naman silang sinasabi ao iniisip ko na lang na blessing siya

"Ewan ko po eh. Basta hinila na lang ako nina M-Matthew." And I want to kill myself. Bakit di ko mabigkas ng diretso ang pangalan ni Mondragon?! Nilingon ko si Matthew, buti na lang nakaheadset siya. Good boy.

"Oh my god hija, parang alam ko na. If I'm not mistaken, 2 days ago ata yun, tumawag sa akin si Matthew at tinatanong kung anong number ng tita niya na producer ng mga kpop event sa Korea. Baka nakiusap si Matthew sa tita niya." Paliwanag ni tita Daphne kaya napatahimik ako. Okay? What was that? Parang buffering pa sa utak ko yung sinabi ni tita ah.

Kinausap lang naman ni Matthew ang tita niyang producer ng Kpop event---- PRODUCER NG KPOP EVENT!?! So, i-ibigsabihin. Nakiusap pa siya sa tita niya. Alam ko kasi sold out na yung ticket eh. Pero nakaVVIP kami!

Nasapo ko na lang ang noo ko.

MATTHEW KYLE

Pasimple akong napasapo sa noo ko. Wala na. Alam niya na.

Wala dapat akong balak sabihin sa kanya eh, kaso madaldal 'tong nanay ko. Sarap busalan.

Hindi totoong nakikinig ako ng music dahil kanina pa lowbat ang phone ko. Tatanggalin ko na sana yung headset ng biglang magtitili si Nicole. Hay.

"Anak ng pagibig talaga kumpare!" Rinig kong sabi ni Papa sa tatay ni Nicole.

"Sa tingin ko dapat na natin paghandaan ang pagsasanib pwersa ng kompanya natin eh. Years from now, for sure alam na natin kung saan mauuwi ang lahat." Sabi ni tito, ang papa ni Nicole. Naginit naman ang pisngi ko. Tangina, kabaklaan 'to.

"Pa!" Sigaw ni nicole.

"Pare, kinikilig ka?" Tanong ni Kaiser. Tinanggal ko ang headset ko.

"Huh?" Maang-maangan kong tanong, buti na lang talaga at gamit ko 'to.

"W-WALA! ISUOT MO YAN!" sabi ni Nicole. Napangisi ako at sinuot ang headphones. SHIT! KINAUSAP AKO NI NICOLE!

"HIJO." Napalingon ako sa likod ko. Si tita Marian. Nakatambay kasi ako sa garden nina Nicole. Hinihintay ko sila Kaiser dahil kumukuha sila ng pagkain. Sina papa naman inaayos ang ihawan. May barbecue party kasi kami.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon