Chapter 33

9K 163 8
                                    

Chapter 33

My sleep was another deep and sound one. But it eventually became... weird. It was when this picture came up--me, being alone in an open, wide and bright place. Mag-isa lang ako. Archer was nowhere around, which made me feel pain in my heart.

Bakit ba hindi ko siya kasama? Bakit may sakit akong nararamdaman?

I felt like crying, pero agad kong na-realize na panaginip lang ito. And at that realization, I woke up, finding Archer right beside me who was watching me sleep while my head was already on his arm.

See? Panaginip nga lang iyon. 'Cause in reality, Archer was with me.

"Anong oras na?" Antok kong tanong.

"Hmm," he used his free arm to fish out his phone from his pants' pocket. "8:30."

"Wow. Idlip lang pala ang ginawa natin, huh?" Sarcastic kong tanong na tinawanan niya, before pulling me into a cuddle which felt very good dahil napakalamig. "Pasyal na tayo Archer." Parang bata kong request na muli niyang ikinatawa.

"Kiss muna." He demanded.

"Aba!" Nahampas ko siya sa balikat. "No. Ipasyal mo muna ako bago kita bigyan nun."

Agad siyang bumangon. "E 'di tara na! Pasyal na tayo! Dali!"

For a sec, napanganga ako. Then I laughed. So my Archer badly wanted a kiss from me, huh?

*

Pagkaligo't pagkabihis namin, umalis na muna kami ni Archer ng inn. This time, nagsuot na siya ng beanie for a sort-of-disguise. Ayaw ko pa nga umalis nang ganun lang ang gamit niya for disguise pero nag-insist siya na magwo-work iyon. Hindi na lang ako nakipagtalo pa dahil gustung-gusto ko nang gumala. Ayaw ko nang mag-aksaya ng oras dahil two days and one night lang kami rito. At saka masyado lang yata akong nag-aalala.

Riding again his SUV, we first took a little-late-breakfast sa isang roadside cafe, then inisa-isa na namin ang mga tourist attraction dito sa Baguio. My favorite, I could say, sa mga pinuntahan namin, was 'yung Burnham Park where we went sailboating sa may man-made lake. I was impressed na kayang magpaandar ni Archer ng bangka--I meant, magsagwan. We did not need an assistant para gawin iyon.

Nakakainis nga lang din dahil ang galing manakot ni Archer. Inuuga-uga niya 'yung bangka para raw mahulog kami at instant swimming kami. Eh ayoko kayang mabasa! Ang lamig-lamig kaya! Tapos first time ko pa namang magbangka kaya madali akong nag-panic--but I kept it to myself. At ayun, nahuli ko rin ang main agenda ng nilalang na 'to. Nung pilit akong nanatiling kalmado sa pananakot niya, he asked, "Natatakot ka, 'di ba? Hindi ka ba yayakap sa akin?"

Napangiwi ako dun ang said, "Hindi. Mas gugustuhin ko pang ihampas sa'yo 'yang hawak-hawak mong sagwan."

Natawa naman siya. "That's Vanessa for me."

Loko talaga ‘no?

We took selfies wherever we went. I made sure na maka-capture ko ang bawat moment na napakasaya naming dalawa.

At ang last stop namin for today: ang sikat na mall dito sa Baguio. Dun kami nag-dinner at naglakad-lakad nang unti. May pagkakataon nga lang na may ilang tao ang tumititig kay Archer. I always and easily felt scared at that dahil baka namumukhaan o nakikilala na siya ng ilan.

"Vanessa, you are being paranoid." Archer told me nung bigla-bigla ko siyang hinatak palayo mula sa dalawang manang na tumitingin-tingin sa kanya.

"Whatever. Mas gusto kong mag-ingat."

"Pero hindi kita dinala rito para magka-ganyan. Please, never mind those people. I want you to spend this great time with me without worrying about anything."

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon