Chapter 02

17K 241 8
                                    

Chapter 02

Von Johan. 

Von Johan..

Hindi na siya maalis sa utak ko ah!

Bukod kasi sa weird siya.. oh well, nagagandahan din ako sa pangalan niya.

Von Johan..

Von Johan.. 

Ang sarap ulit-ulitin!

Siguro 'yun na lang ang gagamitin kong pangalan kapag magkaanak kami ni Archer ng lalaki. Kaso sa tingin ko, hindi 'yun papayag. He might insist to use his own name instead.

Archer.. 

In fairness, cool ang dating ng pangalan niya. Papayag na rin ako sakaling 'yun ang ipagamit niya sa magiging anak namin.

Archer Velasquez... Jr.

I suddenly giggled at that. Si Nanay Beth tuloy na kasabay kong kumakain ngayon ng breakfast, napatingin sa'kin as if I look so crazy.

"Uhm, Nay." Pinunasan ko na ang bibig ko gamit ang table napkin. "Alis na po ako ah." Then I stood up, went to her and hugged her.

"Sige anak." She hugged me back. "Good luck sa first day ng klase niyo."

Napangiti at tumango ako sa sinabi niya. First day nga ngayon ng klase namin. At nakakarelieve lang isipin na ito na ang simula ng last year ko sa college.

Mula bahay, hinatid ako ng driver kong si Manong Ed sa university na pinapasukan ko sa Manila. Habang nasa byahe, kausap ko si Archer sa cellphone. Kagigising lang niya. His tone was very sleepy and tired. He even yawned at me!

Nanlalambot na sobra ang puso ko sa nilalang na 'to. He's been doing so much on his work lately. Bukod kasi sa pagrerecord ng last album niya, busy rin siya sa rehearsals ng every-Sunday music show na kinabibilangan niya. Plus, nadagdagan pa ang modeling and endorsing commitments niya.

Sabi ko nga sa kanya ngayon, hindi niya dapat tinatanggap ang lahat ng inaalok sa kanya na trabaho at mas lalong hindi niya dapat pinupush ang sarili niya sa limitasyon niya. 'Cause who knows, baka bigla na lang sumuko ang katawan niya kahit ba ang healthy at ang fit niya tignan. I don't want that to happen.

"But Mhine," Natatawa siya. Napataas tuloy ako ng isang kilay. Bakit ba kasi siya natatawa? Wala namang nakakatawa sa topic namin ah? "I need to work that much. It's for our future."

For our future..

Napangiti ako. Him saying that was like a tickle to my insides. Natuwa ako at mas naexcite pa para sa future namin. Pero ayokong matuwa! Hindi ko dapat 'yun ikatuwa dahil p'wede niya rin 'yung ikapahamak.

"No, Archer." Medyo mariin kong kontra sa kanya. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho nang ganun para sa future natin since galing tayo sa mga well provided na pamilya."

"Hm, yeah. We're from well provided families. But.." Tumigil siya saglit. Sa tono niya eh parang may ginagawa siya-- parang nagpapalit ng damit specifically. "But I wanna be a good provider myself, Vanessa-- a good provider to you and to our own family."

Oh..

Napangiti ako ng sobrang lapad sa sinabi ni Archer. Na-speechless din ako. Ano ba naman kasing masasagot ko dun?

"Oh, kinikilig na 'yan." Bigla niyang asar!

"Heh!" Sagot ko na ikinatawa niya. Baliw rin 'to minsan eh. "Uy Mhine, nandito na ko sa school. Maya na lang ulit ah?"

"Sure, sure. Magjojogging naman na ko eh. So.. Later again, Mhine. I love you." Again, napangiti ako nang malapad.

"I love you too, Mhine. Bye." Inend ko na ang tawag at kay Manong Ed naman ako nagpaalam. "Thank you po, Manong Ed! Text na lang po kita mamaya ah."

Nakangiting tumango itong forty-year old driver ko. "Sige po, ma'am."

*

Sa campus, diretso ako sa unang klase ko. Maaga ako nang thirty minutes so kailangan ko pang maghintay sa prof namin.

As usual, sa pinakalikod na row ako pumwesto ng upo. May ibang estudyante na ang nandito sa room, most of them kaklase ko na mula pa nung first year. Pero hindi ako close sa kanila eh. Ewan ko ba. Friendly naman sila at mas okay sila kaysa sa mga naging kaklase ko nung high school palang ako. But still, I don't feel like getting close to anyone of them. Kahit sinabihan na ko ni Archer na dapat, matuto akong makipagkaibigan sa iba, wala pa rin. Mas prefer ko pa rin na mapag-isa habang naglalaro ng PSP or ng cellphone ko

Hindi ko dala ang PSP ko so now, sa cellphone lang ako naglalaro. May istorbo nga lang kasi 'yung kaisa-isa kong kaibigan-- na nagkataong baliw pa-- ay nangungulit sa text.

Magkaiba ang course namin ni Miguela. Ako, IT ang tinitake. MassCom naman sa kanya. At ngayon, nangungulit siya kasi hindi na naman nagtugma ang mga sched namin. Kating-kati na raw siya na maka-'chika' ako since hindi kami nakapag-'chikahan' nung bakasyon. Nasa London kasi sila ng pamilya niya the whole summer break.

Okay, okay. Mamayang magkita na lang tayo. =_=

Reply ko 'yan sa pangungulit ni Miguela. Pumayag na ko na makipagkita sa kanya mamayang lunch time. Hindi ako tatantanan nito hangga't hindi ako pumapayag eh.

Soon, dumating na ang prof namin na isang matabang lesbian. Nayayabangan ako sa way ng pananalita niya. Ang pinagsasabi lang naman niya eh tungkol sa sarili niya at sa mga achievements niya na naging dahilan daw kaya naging prof siya dito sa school namin. Geez. Walang kakonek-konek sa subject namin.

Sa ganitong pagkakataon, hindi ko maiwasang mainggit kay Archer. Buti pa siya, tapos na mag-aral. Actually, last year lang siya nakagraduate sa course na Business Management. Buti na lang, nagawa niya pang asikasuhin ang studies niya kasabay ng career niya.

"Sorry I'm late, ma'am!" Sigaw bigla ng isang lalaki na kakapasok lang sa pintuang nasa likuran ko.

Inaantok ako kaya hindi na ko nag-aksaya ng effort na lingunan siya unlike ng ginawa ng mga kaklase kong nasa harapan ko. They all turned their looks at him. 'Yung ibang babae pa nga, napangiti.

Kung sila, natutuwa. Ako, hindi. I hate it. Naiinis ako sa ginawa nung lalaki. Masyadong agaw-eksena.

"It's okay, it's okay. Umupo ka na." Walang ganang sagot ng prof namin. Palibhasa lesbian kaya walang pakialam dun sa lalaki.

Umupo na 'yung lalaki. And much to my dismay, dito pa niya napiling umupo sa tabi ko. Ugh.

Iritado ko siyang tinignan, while he looked at me with a sorry smile. Pero 'yung iritado kong tingin at ang ngiti niya eh mabilis nawala nang mamukhaan namin ang isa't isa.

"Ikaw?"/"Miss Vanessa?" Sabay naming salita.

No way. What the heck is this weird guy doing here?

oxoxoxTBC~

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon