Chapter 32

8.3K 149 2
                                    

Chapter 32

So at exactly 9pm, umalis na kami ni Archer. Para raw mga before dawn, naroon na kami sa Baguio.

Archer was the one driving again at itong black SUV niya ulit ang gamit namin. Actually, medyo nag-worry ako na maglo-long drive kami tapos gabi pa. Naisip ko na baka hindi sanay si Archer sa ganun. But the way he was acting--cooly and normally--nawala rin ang pag-aalala ko. We're going to be fine, and this trip's going to be fun.

And we were indeed having fun. Gabing-gabi at kaming dalawa lang ang magkasama, pero nagawa naming gawing lively ang biyahe namin. With all the snacks and drinks I bought sa nadaanan naming convenience store--and with Archer's continous singing performance--hindi kami dinalaw ng antok.

Archer was like, so crazy, singing party songs. Siyempre sanay akong love songs ang mga kinakanta niya, eh. Tapos minsan umiindak pati ang katawan niya dun sa beat ng kanta--mostly ang sexy pa ng dating. Para tuloy akong nahihiya sa ginagawa niya.

"Huwag ka, ikaw lang ang sinayawan ko ng ganun." Proud at matawa-tawa niya pang sabi after niyang gumiling. Geez. Isa pang beses na gawin niya iyon, baka umalis na ng katawan ko ang kaluluwa ko.

We had a couple of stop-overs then. One-third away na lang kami mula sa Baguio nung bigla akong antukin.

"Sleep, Vanessa." Archer said after kong humikab. Nakita niya pala iyon kahit sa kalsada siya nakatingin? "Huwag mong pigilan ang antok mo."

"How about you?"

"I'm okay. Maghapon naman akong tulog kanina--I mean, kahapon."

Ah, kaya pala ang energetic niya ngayon.

Kinuha ko ang Doraemon pillow ko mula sa backseat at niyakap iyon sa pagtulog ko.

Mabilis akong nakatulog. And my sleep was a very sound one. Palibhasa, pagod ako sa naganap na graduation at pinuyat pa ako ni Archer ngayon.

Nagising na lang ako nang maramdaman kong may humawak sa ulo ko.

"Oops, sorry." Salita ni Archer nung dumilat ako. He was still on the driver's seat, and his one hand was a few inches away from my face. "Sinubukan ko lang ayusin ang ulo mo. Baka magka-stiff neck ka sa puwesto mo."

Now that he mentioned it, nakaramdam na ako ng kirot sa leeg ko.

I blinked twice then looked around. May unti nang liwanag sa langit--at foggy ang kinaroroonan namin!

"Nasa Baguio na tayo?!" Nagising na nang tuluyan ang diwa ko.

"Yes," Archer started driving again. Dun ko lang napansin na nakahinto pala kami sa gilid ng kalsada kanina. "Malapit-lapit na rin tayo sa tutuluyan natin."

Malapit o malayo pa, I wouldn't mind dahil masyado akong na-mesmerize sa paligid--'yung pagka-foggy, 'yung slopes na puro pine trees, 'yung hillside houses, they all caught my attention. Until we came to a stop, and Archer said, "We're here."

I was not sure, but I guessed, nasa tuktok kami ng isa sa mga bundok dito, at ang hinintuan namin ay parking lot ng isa sa iilan lang na bahay na narito. The house was actually an inn. Just a simple inn. It was three-storey and all white ang kulay with tiny black details. It was not big, but not also that small. Sa tingin ko, marami na ang apat na kuwartong pinapaupahan nila.

Ako ang unang bumaba ng kotse. Pero hindi pa ako tuluyang nakakababa ay bumalik ako sa pagkakaupo at sinara ulit ang pinto. "God! Ang lamig-lamig sa labas!"

Tawang-tawa si Archer nun sa nangyari sa akin, at inabot din ang jacket ko na nakahanda sa backseat. Sinuot ko iyon at saka muling lumabas.

Yakap-yakap ang sarili, huminga ako nang malalim. Oh, fresh, cold air! Napatalon-talon ako nun sa tuwa. Hindi kaya ganito sa Laguna.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon