Chapter 05

14.3K 189 4
                                    

para kay HD(@eych_dee)! salamat sa pagdamay sa'kin sa pagpapa-booksign mo kay MSIII ah~♥ :3

----

Chapter 05

"Hay naku friend! Ganun talaga kapag sikat! Nagkaka-hater! Kaya huwag mo na dibdibin masyado 'yung hater na nagtext kay Fafa Archer. Inggit lang ang epal na 'yun!"

That was what Miguela told me nang maikuwento ko sa kanya nung sumunod na araw ang tungkol sa hate message na nareceive ni Archer. Hindi kasi ako mapakali, lalo na't nakita ko na naapektuhan din kahit papaano ng text na 'yun si Archer.

Pero, normal lang daw 'yun eh dahil sikat nga na nilalang si Archer. So kahit naiinis ako, kahit gustung-gusto kong tugisin at awayin ang kung sinumang hater na 'yun at pati na rin ang iba pang nanghihila sa kanya pababa, wala akong magagawa-- except sa pagaanin na lang ang loob niya. As that celebrity's fiancee, all I could do is to support, comfort, and cheer him up through it all.

Anyway, aside sa mga hater ni Archer, pinoproblema ko rin si Von Johan. Tuesday passed by without me seeing that weird guy around. Kahit sa isa man lang sa mga klase ko sa araw na 'yun, hindi ko siya naging kaklase.

Then came Wednesday. May Biology class ulit ako so inexpect ko na muli ko siyang makikita. And I did. Twenty minutes late na dumating sa klase namin si Von Johan. Late na nga at sinita na siya ng prof namin pero nakangiti pa rin siya. At hindi na siya tumabi sa'kin ah. Nasa last row pa rin naman siya gaya ko, pero nasa right side na siya.

Nakakainis. Ayun ang hindi ko inexpect eh. Akala ko, tatabihan niya ko ulit at sa wakas, matatanong ko na ang mga gusto kong itanong sa kanya. Sayang lang. Pinraktis ko pa naman kanina na ang gagawin kong pang-iinterrogate sana kanya ngayon.

Hindi ako nakapag-concentrate sa buong Biology class namin. I badly wanted to move and sit down next to him para matanong ko na siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka may mag-isip na nilalandi ko siya eh, at baka mapagalitan din ako ng prof namin.

"Okay, class dismissed!" As soon as sinabi 'yan ng prof namin, muli kong tinignan si Von Johan. Wala pang sampung segundo mula nang ma-dismiss ang klase, pero nasa may pintuan na siya at papalabas na!

Madali kong nilagay ang binder at ballpen ko sa body bag ko, bago ako tumakbo at hinabol si Von Johan. Buti na lang naabutan ko siya.

"Hoy teka!" Sinadya kong huminto sa harapan niya para harangan at pahintuin siya.

Huminto naman siya at tumitig sa'kin-- bluntly. Sasabihin ko sana agad ang intensyon ko sa kanya eh, kaso kinailangan ko munang huminga nang maayos dahil hiningal ako sa pagmamadaling ginawa ko.

"I have a name, you know." Pag-point out niya, still bluntly.

"A... Alam ko." Napataas ako ng isang kilay kasabay ng pamemewang. "Von Johan."

Medyo natawa siya. "Just call me Von."

I rolled my eyes. "Whatever Von. May gusto lang naman akong itanong sa'yo."

"I see..."

Nagtitigan kami. Ako, naka-kunot noo. Siya, parang wala lang pakialam. Hindi man lang ba niya itatanong kung ano ang gusto kong itanong sa kanya?

"B--" Itatanong ko na dapat 'yun, kaso bigla siyang sumingit.

"Whatever you want to ask me, sasagutin ko lang in one condition."

"Ugh." I groaned in annoyance. Ang arte lang ng lalaking 'to. May kondisyon-kondisyon pang nalalaman. "What the heck could that condition be?"

"Samahan mo ko mamaya mag-lunch."

Napanganga ako. Hindi ko alam. I just found it like he was asking me out on a date.

"You see, I don't have enough time to spare right now since I have another class to catch up in five minutes. So kung may gusto kang itanong, magkita na lang tayo mamaya. I'll wait for you, twelve at the main gate." Dire-diretso niyang sabi sabay talikod at mabilis na naglakad palayo.

Humakbang ako para habulin siya pero hindi ko na tinuloy. Wala rin namang silbi eh dahil nagmamadali nga siya at hindi niya ko sasagutin.

Nagpunta na lang din ako sa next class ko. Pero hindi pa rin ako makapagconcentrate. I was busy thinking about Von Johan's-- err, Von na nga lang pala-- Von's offer. Sasamahan ko ba siyang maglunch mamaya? If I do, won't it be considered as cheating to my fiance? Hindi naman, diba? Hindi pero ang isipin ko pa lang na kakain ako sa labas together with another guy already makes me feel guilty. So NO. Hindi ako sasama sa kanya. Tutal naman, isa lang ang gusto kong itanong sa kanya so hindi na namin kailangang i-spend ang buong lunchtime namin nang magkasama.

I nodded at my thoughts. Ganun na nga lang ang gagawin ko.

*

12:20PM, nang makarating ako sa main gate ng university namin. Von Johan was already there, patiently waiting kahit twenty minutes late na ko.

"Von Johan," Tawag ko at lumingon naman siya with a blunt look.

"I told you, tawagin mo na lang akong Von."

Rolling my eyes, I groaned. Nakalimutan ko na 'yun eh. T'saka mas masarap kaya banggitin ang Von Johan kaysa sa Von lang. Von Johan. Von Johan. Von Johan. Oh diba?

"Okay, okay. I'll never mind you calling me by my whole given name, so stop rolling your eyes at me." Bawi na niya on a... quite amused tone? Pagkatingin ko sa kanya, nakangiti na siya.

Seriously, what with this guy's mood? Kanina, ang blunt ng expression niya eh. Then now, ayan, napaka-bright na ng pagmumukha niya.

"Tara na." Yaya na na niya nang nakangiti pa rin. Agad din siyang tumalikod.

"Teka," Pigil ko sa kanya.

Huminto siya't nilingunan ako. "Hm?"

"Puwede bang huwag na tayong sabay maglunch huh?" Von Johan's smile faded at my question. "Hello? Para ano pa? Eh isa lang naman ang gusto kong itanong sa'yo?"

Saglit siyang hindi umimik. "Okay," Umayos siya ng tayo paharap sa'kin. He was now back to having this blunt look. "Sige. Isa lang naman pala ang gusto mong itanong eh. Go ask me now."

Pasimple akong huminga nang malalim bago ko siya tinanong. "Paano mo nalaman ang relasyon namin ni Archer?"

Saglit ulit siyang hindi umimik. "Nalaman ko 'yun sa tatay mo."

Ako naman itong hindi nakaimik. Just... why? Why did Dad tell that to a mere employee of his company?

"So, nasagot ko na ang isang tanong mo. I'll go now." Nakita kong nagsmirk siya bago muling tumalikod at naglakad palayo.

"T-Teka ulit, Von Johan!" Again, hinabol ko siya at hinarangan. "Bakit ah? Bakit sinabi ni Dad ang tungkol dun sa'yo? Sino ka ba huh para ipaalam niya 'yun sa'yo?"

Von Johan just stared at me.

"Answer me!" I demanded.

"Sabi mo kanina, isa lang ang itatanong mo. But now, you're throwing me a couple more questions?"

Natigilan ako. Parang napahiya lang ako sa sinabi niya.

"Gusto kong sagutin ang mga tanong mo, Miss Vanessa. But now, for real, sasagutin ko lang ang mga 'yun kung sasamahan mo akong maglunch. Nagugutom na kasi ako." Nilagpasan na niya ko at huminto sa may sidewalk para tyumempo sa pagtawid.

Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis! Kung kaya ko lang mahintay ang Friday para sa Biology class ko na lang siya matanong, hindi ko ito gagawin-- hindi ako tatakbo palapit sa kanya at sisigaw ng, "Okay fine, Von Johan! Sasamahan na kita! But do make sure that you'll explain it all! Got that?!"

Tumingin siya sa'kin-- with a smile. "I will." At tumawid na siya, with me following just behind him.

Oh how I hate this.

oxoxoxTBC~

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon