Chapter 38

9.7K 179 4
                                    

Chapter 38

"Sino 'yan?"

Kinabahan ako sa boses ni Tita Lauren nung kumatok ako sa private ward ni Archer. Ang taray naman kasi ng boses.

"Uhm," napalunok ako. "Si Vanessa po."

Hindi na siya sumagot. Nagulat na lang ako nang pagbuksan na niya ako ng pinto at bumungad sa akin ang ngiti niya.

"Come in, hija."

Slight akong ngumiti at tumuloy na sa loob.

Okay na kami ni Tita Lauren. Nakapag-usap na kami tungkol sa amin ni Archer and she was actually thankful to me kasi naniniwala siya na ako ang dahilan kaya nabuhay pa ang anak niya, Kaya nga lang, medyo naiilang pa rin ako sa kanya.

"Nag-almusal ka na ba?" She asked then.

"Opo."

I walked further, at nagulat ulit ako nang makita ko si Archer na nakaupo sa gilid ng kama. Nakatalikod siya, facing to the window and half-naked--pero dahil iyon sa nililinisan siya ng sugat nung nurse. May malaking cut kasi siya na natamo sa upper left ng likod niya na kinailangan pang tahiin and now, it requires regular cleaning.

May ilan pang maliliit na sugat si Archer sa likod niya and some bruises. Not to mention, may fracture din ang left arm niya kaya naka-hanging cast ito.

Nilingunan ako ni Archer, then he smiled. Ngingiti rin sana ako kaso 'yung ngiti niya, kakaiba. Nakakaloko ang dating. Kumunot tuloy ang noo ko.

"Okay na po, sir Archer." Salita nung babaeng nurse na ngayon ko lang nabigyan ng pansin. She has a smiling face. Mukhang ilang taon lang ang tanda niya sa akin--heck, kaedad pa yata ni Archer. And okay, she has a good body. Just good.

"Salamat ah." Archer told the nurse with the same, naughty smile.

Aba. Humaharot sa mismong harapan ko?

Napa-giggle naman 'yung nurse at namula pa. "Nako, sir. My pleasure." Siya pa ang tumulong na magdamit kay Archer.

What the hell?

Naiinis na ako. Feeling ko nakaraming tsansing na ang nurse na 'yun kay Archer, being able to see and touch his body.

Pero kalma lang, Vanessa! Isipin mo na lang na unlike that nurse, you've already seen and touched more than half of Archer's body.

Ay. Ano ba 'to. Ako naman yata ang namula sa pinag-aalala ko.

"Someone here is feeling jealous."

Natauhan naman ako sa bigla-biglang pagsasalita ni Tita Lauren na kakasara lang sa pinto. Umalis na pala 'yung nurse.

"Hmm?" Hinimas pa ni Tita Lauren ang likod ko with a teasing smile.

"U-uy, hindi po ako nagseselos ah." Deny ko.

Natawa si Tita Lauren at lumapit na sa anak niya. "How do you feel anak?"

"I'm okay." Sagot ni Archer. "But I'll feel much better kung 'yung nurse na iyon ulit ang maglilinis ng sugat ko buka--aw!"

Bigla siyang nahampas ni Tita Lauren sa braso niyang may pilay. Nanlaki ang mga mata ko roon at napangiwi sa sakit na posibleng naramdaman ni Archer.

"Sorry!" Matawa-tawa si Tita Lauren. "Huwag mo kasing ganyanin si Vanessa. Tsk."

Natawa na lang din si Archer at muling lumingon sa akin. "Nagbibiro lang naman ako... God knows how much I prefer to be with her than anyone else."

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon