58th

125 6 0
                                    


Today is my most awaited day. Last week passed so fast, I didn't noticed time that much because I became busy with all the school works that my teachers requires us to pass before we can have our long vacation. And today, finally. Mom, dad, and I are going back to the Philippines.

Matapos ang nangyari sa cafeteria nung araw na iyon, sinubukan pa akong suyuin nina Theo, Philip, South at Giannis, sinusubukan nila akong tawagan kaya napagdesisyunan ko na mag palit ng contact number at nag deactivate ako sa lahat ng social media accounts ko para hindi na nila ako macontact. Sinusubukan rin nila akong puntahan sa bahay pero lagi akong umaailis. Lagi akong masa mall, nasa bar, nasa restaurant at kung saan saan pang parte ng city na ito ako nagsususuot para lang wala silang abutan sa bahay, at isa pa, para naman madagdagan ang alam kong lugar sa city na ito, nakabili na rin ako ng maraming pasalubong sa mga kaibigan ko sa Pililinas.

At dahil nga nag deactivate ako ng accounts ko, wala pa akong naririnig mula sa kanila. Hindi ko alam kung kamusta sila at hindi rin nila alam na pauwi ako ngayon.

Andito na kami ngayon sa airport pasakay na ng eroplano. Medyo nagmamadali sa paglalakad dahil madyo natraffic sa daan kanima dahil marami rin ang bumabyahe ngayon.

Agad kaming inihatid ng isang flight attendant sa first class area at agad naman akong nakaramdam kaginhawaan dahil iilan nalang ang tao rito. Walang maingay at mga batang umiiyak.

"Mom, "tawag ko kay mom habang nakikipag usap ito sa FA na nag hatid sa amin dito.

"Thank you" sambit nito sa FA bago tuluyang nag lakad paalis. "Yes sweetheart?" Baling niya ng kaniyang tingin sa akin.

"Do you still contacts with Principal Meryll?" Tanong ko rito na naupo sa upuan sa harap niya.

"Yes, I think. " She smiled at me as she pulled out her phone from her pocket. "Here" sambit nito sabay ng pag abot niya sa phone niya kung saan nakita ko ang phone number ni Principal Meryll. Agad ko naman itong kinuha at mabilis na tinawagan habang hindi pa nagsisimula ang flight.

"Hello? Who's this?" Mabilis na tanong ng isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya matapos ang ilang pag ring.

"Principal Meryll,  s-si Vienna po ito" pilit kong pagpapasigla sa boses ko.

"Vienna, buti napatawag ka. Pauwi ka ba mg Pilipinas ngayon? " masayang tono nito sa pagtatanong.

"Yes Principal. Nasa eroplano na po kami ngayon." Sagot ko naman rito habang nakatingin kay mom na nakangiti lang sa akin habang kausap ko si Principal Meryll

"Saktong sakto, nasa Baler sila ngayon, sa probinsya nina Saji. Kakaalis lang nila kanina, makakahabol ka pa" pagbibigay impormasyon nito.

Napangiti naman ako ng mapait ng malamang wala sila sa city. Hindi ako makakasunod sa kanila dahil pupunta rin kami sa probinsya namin sa Zambales.

"Ah.. mabuti naman po at nakapagbakasyon sila. Hindi po ako makakasunod sa kanila eh, uuwi rin po kami nina mom at dad sa probinsya. Wag niyo nalang pong sabihin na uuwi ako ngayon. Susurpresahin ko nalang po sila dyan pag balik nila" sambit ko kay Principal Meryll.

"Oh.. okay. You still have Ariia's phone number? Para macontact mo siya if ever may change of plans" tanong nito sa akin.

"I still have their contacts ma'am.  Sige po, kailangan ko na pong ibaba ang tawag." Pagpapaalam ko rito.

"Sige iha. Ingat sa flight. " huling rinig kong sambit nito bago tuluyang maputol ang tawag.

I guess I'm not seeing them this week then. *exhales deeply*

Other Version | SKYA Book 3 [COMPLETED(editing)]Where stories live. Discover now