19th

186 6 0
                                    

Today is Tuesday, and today will be my first absent.

Hindi ako papasok ngayon at hindi ako sigurado kung totoo ba na excused ako kahit umabsent pa ako.

Hindi na sana ako sasama pa sa pagaabsent ng council dahil sa ngayon nila gagawin ang decorations, flow ng program at kung ano ano pang kailangan para sa party na pinapagawa ni Mr. Mejia kay Marga pero dahil isa ako sa inaasahan nila sa planong ito, gumawa si Ixxen ng deal na excused ako kahit pa mag absent ako.

Ayon dito, ipapaalam niya nalang sa principal na may gagawing project ang council para sa school at binanggit ako nito bilang special member sa project dahil ako ang nag iisang normal na estudyante na mapapasama sa project ng council.

Nang tanungin ko naman si Ixxen kung sakaling hanapan sila ng output, ang sabi niya ay siya na daw ang bahala doon at wag na akong mag aalala.

Kaya naman napapayag na rin nila akong wag nang pumasok ngayong araw at tumulong nalang sa kanila.

Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na para makaalis na agad. Of course, mom and dad doesn't know about this.

Kahit kinakabahan akong lumabas ng kuwarto ko na ganto ang suot ay ginawa ko parin ang lahat para maging normal ang lakad ko.

Didiretso sana ako sa pinto palabas ng bahay pero ng tuluyan akong makababa ng hagdan ay tuluyan rin akong nakita ni Mom.

"Hey, Goodmorning.  " pag tawag nito sa atensyon ko.

Agad akong lumingon rito.

Gosh! Vivienne help me!

"H-hi mom, dad, good morning " pilit na pag akto ko ng normal sa harap nila.

Umupo narin ako sa bakanteng upuan sa tapat ni mom para sumabay sa breakfast kahit wala namam talaga akong balak kumain.

"Saan lakad mo? Is it okay not to wear uniform today?" Tanong ni dad kasabay ng pagbaba nito sa hawak niyang news paper at tinignan ang suot ko.

Dahilan kung bakit lalo akong naconcious at kinabahan dahil baka magalit sila dahil hindi ako papasok ngayon dahil may iba akong gagawin.

Ugh! Can I just walk away?

"Uhm... y-yes, I guess" not really a good liar.

Napayuko nalang ako dahil alam kong huling huli na ako sa pagsisinungaling ko sa mismong mga mukha nila.

"Hay nako. Mabuti nalang at kahit na hindi ka namin nagabayan ng Daddy mo, hindi ka natutong mag sinungaling, hindi ka parin marunong mag sinungaling hanggang ngayon" iling ni mom na ikinatawa naman ni dad habang nakatingin ito sa akin.

Unti unti akong nag taas ng tingin at nakita ko silang nakangiti sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanila.

"S-sorry Mom, dad. It's just that, they need my help. And one more thing, I'm excused " I shrugged and made reasons. Para rin mas magaan ang kasalanan ko.

"You don't need to reason out sweety, just next time, tell us the truth okay? Hindi naman kami magagalit, as long as you're not putting yourself in danger. Alam rin naman namin na kahit hindi ka pa man 18, you can make decisions for yourself. " napatango nalang ako sa mga sinabi nila .

Ilang saglit lang ay nagpaalam na rin sina mom at dad dahil kailangan na nilang pumunta sa corp. at ako naman ay aalis na rin, dahil 9:30 na at ang usapan namin ay 8.

Nagpahatid ako sa driver ko papunta sa bahay nina Theo, mabuti nalang at hindi na kami naligaw dahil alam naman nito ang lugar dahil hindi rin naman gaanong malayo dito kina Theo.

Other Version | SKYA Book 3 [COMPLETED(editing)]Where stories live. Discover now