2nd

356 11 3
                                    

I'm strolling at the streets of London. Nakumbinsi ko na rin sina Mom at Dad kagabi na hindi ko kailangan ng dalawang guards na laging nakasunod kahit san man ako pumunta dahil kaya ko ang sarili ko.

I wouldn't survive a school like hell with devil students inside if I can't handle and take care of myself.

Tanging driver lang kasama ko na pinaiwan ko naman sa isang public parking space hindi kalayuan. Hindi naman sa hindi ako marunong mag drive, hindi lang talaga ako sanay sa kalsada ng London dahil right side ng sasakyan ang driver's side, hindi tulad sa Pilipians. Ayaw ko lang ng disgrasya.

Hindi pa ako sigurado kung saan ako pupunta ngayon. Maybe malling, o kahit anong maisipan ko habang andito ako sa labas. Mabuti nang sulitin ko ang araw ko ngayon dahil bukas ay mag sisimula na muli akong mag aral.

I will be meeting different kinds of people again. Tsk.

Pumasok ako sa isang coffee shop na agad nakakuha ng atensyon ko dahil sa theme color nitong pink, blue at white. It's cute, I'm sure Vivienne would love it here.

If only she's here.

Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa loob.

Agad na bumungad sakin ang isang makulay na mga kagamitan ng coffee shop. Upuan, table, kahit ang sahig na tinatapakan ko ay may kulay. Bawat upuan ay may nakalagay na teddy bears, unicorn, panda, na nakasuot ng kulay rainbow na damit na may maliit na tatak ng pangalan ng shop na Kaleidoscope. Karamihan sa costumers ay mga babae, at syempre, hindi rin mawawala ang mga nag dedate.

Dumiretso ako sa counter habang nakatutok lang sa kanilang menu na ibinigay sakin pagkapila ko.

Mag dadalwang minuto na siguro akong nakatayo, nakapili na rin ako ng bibilhin ko. Hindi naman mahaba ang pila, tatlo nga lang ata kaming nakapila eh, pero ang tagal.

Eh kaya naman pala. Imbes na sa upuan mag hintay ng order, nakikipag chismisan sila sa barista. Jusko! Pati ba naman dito sa Europa may ganito?

Napairap nalang ako at tahimik na nag hintay hanggang sa umalis ang mga babaeng nagpatagal sa pag order ko.

Pero in fairness naman kay kuyang barista, may itsura! Vivienne would really love it here. I'm a hundred percent sure.

Pakiramdam ko ay nawala ang inis ko sa pag hihintay ng matagal ng pabungaran ako ng malaking ngiti ng taong nasa harap ko. Isa pa, mukha siyang Asian, parang pinoy.

"Good morning ma'am, what can I get you?" He's genuinely smiling while asking, it makes me feel comfortable.

I changed my mind, papalitan ko na ang order ko. Let's see how good this barista is.

"Hmmm.. What about, " what can you give me?" " pang hahamon ko rito with hand gestures.

A normal Vienna would say 'one frappé' without even smiling then leave as soon as the barista handed her her order, but I'm not a normal Vienna anymore, I'll try to live a life.

Tinitigan ako nito na parang inaalam sa isang tingin kung anong klaseng kape ang ibibigay niya sa akin.

Bigla nalang itong tumalikod at nag handa ng kung ano.

Marami siyang nilalagay sa isang baso, maingat bawat pag buhos ng kung ano anong rekado at tila tinatansya ang saktong sukat na kailangan sa ginagawa nitong inumin.

Matapos ang ilang minuto ay humarap na muli ito sa akin at malaki ang ngiti.

"Here's your honey cinnamon iced latte" at iniabot nito sa akin ang isang baso.

Other Version | SKYA Book 3 [COMPLETED(editing)]Where stories live. Discover now