1st

464 14 0
                                    

"Do you want to visit Vivienne? Dadaan muna kami ng Daddy mo kay Viv before heading to the office, then we'll leave" umayos ako ng upo at tumango nalang kay mom.

Sa kabila ng masamang nangyari sa pamilya namin ay ang masamang pangyayari naman ngayon sa kompanya ng mga magulang ko.

I don't know why the hell this is all happening to me. Am I that bad to have this kind of life outside that hell? I think I've got the worst life after I stepped me feet outside that gate.

"Okay then, sumunod ka na sa baba. Let's have our breakfast" pilit na ngumiti sa akin si mom bago tuluyang tumayo at iwan ako mag isa sa kwarto.

Sa pag bangon ko ay bumungad sakin ang isang bakanteng kama kung saan maayos na maayos na nakalagay dito ang mga unan at kumot. Bakas na bakas dito na hindi ito nagamit sa dumaang mga gabi.

Vivienne, sino nang kasama ko sa malaking kwarto na to pag umalis sina Mom at Dad? Sino nang kasama ko?

Pakiramdam ko ay gusto nanamang mag labas ng luha ng mga mata ko pero pilit ko itong pinipigil.

Isang malaking kwarto na may dalawang parehas na gamit at nagkaiba lang ng kulay. Dalawang kama, salamin, walk in closets, cr, teddy bears, lams, at kung ano ano pang mga gamit natin noon.

Ilang taon rin nating iniwan ang lugar na to, Vivienne, nakabalik na ako, asan ka na? Bakit hindi ka na bumalik?

What a life. How can I continue?

Matapos ang isang malalim na pag hinga ay tumayo na ako para mag linis ng sarili bago bumaba at mag almusal na kasama ang mga magulang ko.

This is it. It's time to move forward.

Ito na siguro ang huling beses na dadaan ako dito, matagal na panahon ulit bago ako pumunta sa lugar na pupuntahan ko ngayon.

Kasalukuyan palang ang pag aayos ng kalsada at pag lalagay ng street lights sa gitna ng gubat patungon SKY Academy, kung saan nag simula ang lahat.

Hindi ako sigurado kung saan ko hahanapin ang mga kasama ko pagkalabas ko ng sasakyan. Akmang ilalabas ko na ang cellphone ko para tawagan ang isa sa kanila ng biglang...

"Vienna!" Mabilis kong nilingon ang boses ni Ariia na iyon at agad ko naman silang nakita sa isang tabi.

Agad akong lumapit sa kanila at nag pakita ng hindi halatang pilit na ngiti.

When will I learn to stop showing this kind of smile?

"What are you wearing?" Kierra asked full of curiosity.

Hindi ko na naitago ang lungkot sa mukha ko ng isipin ang isasagot ko sa kaniyang tanong.

Bago pa ako makapagsalita ay ang pag sulpot naman ni Adlie sa tabi ko, at katulad ko, hindi rin ito nakasuot ng t-shirt ng Academy.

"What are you guys wearing? Aren't you informed?" Tanong ni Saji sa aming dalawa ni Adlie.

"I'll be leaving/I'll be leaving" matapos naming sabay na magsalita ni Adlie ay nagkatinginan kami at tumawa ng mahina.

"Ano?" Nathan

"Why?" Asche

"I can't, I'm sorry" yumuko nalang ako upang maitago ang agad agad na pangingilid ng luha ko.

"I need to look for myself, it's a long story, baka maiwan na ako ng flight ko. Zayd will tell you guys everything, I'm just here to bid my goodbye" pilit rin ang ngiti nito at halata rin sa mukha ang lungkot at ang pagkaayaw niyang umalis.

Pero katulad ko, kailangan.

Matapos naming mag paalam ni Adlie ay magkasunod rin kaming umalis ng Academy.

Pupuntahan ko na sina mom sa Corp. at aalis na kami ng bansa. Hindi pa sigurado kung kelan ulit ako makakabalik. Hay, hindi man lang ako nakapag paalam kina Rancor, Jin, Traze at Amanda na wala kanina sa Academy.

**

"Live a life, sister"

"Live a life, sister"

"Live a life, sister"

Napamulat ako ng mata ng marealize ko na nananaginip nanaman ako, pero sa pagkakataong ito, hindi ko na napaginipan na iniiwan ako ni Vivienne. Masaya siyang nakangiti sa akin.

Tsk, sana kung nandito ka pa, pinaguusapan na natin itong si kuyang flight attendant na pogi, sayang hindi ka niya maseservan ng pagkain.

Pero mukhang tapos nang mag serve si kuyang FA ng pagkain dahil mag lalanding na ang eroplanong sinasakyan namin ngayon, napahaba ata ng sobra ang tulog ko.

Helloooooo, London!

What would this country bring me?

Sumunod na ako sa paglalakad nina mom at dad. Halata sa mga galaw nila ang pag mamadali, at wala akong balak sundan ang mabibilis nilang hakbang.

"Vienna sweetheart, mauuna na kami, didiretso kami sa company, hintayin mo nalang ang isa pang sasakyan na mag susundo sayo dito, you have your guards anyway" my dad kissed me on my forehead.

"We're sorry anak. Hindi tayo sabay sabay na darating sa bahay. But we promise you we'll have a dinner together" mom hugged me with rush.

"It's okay Mom, Dad. I'm fine" tango ko bilang pagpapaalam. Agad na silang sumakay sa kotse at umalis ng airport.

Nag lakad ako papunta sa isang bench at agad namang nakasunod sakin ang personal body guards ko at naiwan ang tatlo sa pag babantay ng mga bagahe namin ng parents ko.

Normal lang naman na mag doble doble ingat sakin sina mom matapos ang mangayaring pag kahiwalay ko sa kanila ng ilang taon at ang pagkalagay ng buhay ko sa alanganin diba?

But hell! These guards are annoying! With that black suits and expressionless faces, I just can't have the anywhere I go!

Tumayo ako at agad ko namang napansin ang pagkaalerto ng dalawang nakatayo sa gilid ko.

"I'm going to the girls room. Wag niyong sabihing sasama pa kayo" pag tataray ko rito

"We're tasked to keep an eye on you ma'am" hindi tumitingin saking sagot ng isa

"Gag* ka ba? I said I'm going to the comfort room. Ano, papanuorin niyo pa ako?" Inis na tanong ko rito

"Sorry ma'am, at least let us come with you. We'll wait for uou out side the comfort room" pormal na sagot naman ng isa.

"Tsk. Bahala kayo jan." Mabilis akong nag lakad pero agad rin silang nakasunod sa akin.

Damn it! This is so awkward! Pinagtitinginan ang mga kasama kong guards!

Isa...

Dalawa...

Argh! Di ko na kaya!

Mabilis akong tumakbo palayo sa dalawang guards. Hindi ako ihinh ihi okay? Gusto ko lang mawala ang weird na tingin na lahat sakin.

Mabilis kong tinatakbo ang pagitan ko sa hindi kalayuang cr. Mabuti nalang at naka sneakers ako.

"Hey!-.." Matinis na reklamo ng isang boses.

Tsk. Ngayon pa may humarang sa daan eh! Kung kelan nagmamadi eh! Damn!

"Aren't you going to say sorry? " mataray na tingin nito sa akin.

"Why would I, it's both our fault. You didn't see me, I didn't saw you" konti nalang at iirap na ang mga maka ko sa kaniya eh

"Duh! You're the one hwo bumped into me, -.."

"You saw me coming, you should have went to sides. Stupid" hindi ko na napigilan ang pag irap ko.

"Ma'am, hindi niyo po dapat ginawa ang bagay na iyon. Matatanggal po kami sa trabaho" reklamo ng isang guard sa akin na kakarating lang

Inirapan ko nalang silang lahat at nag lakad pabalik sa waiting area. Tsk. First day's a mess.

Vivienne! Help me with this life?

**********

Vote with hart. Haha! :*

Other Version | SKYA Book 3 [COMPLETED(editing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon