Chapter 34

12.3K 275 24
                                    

Chapter 34

DALAWANG araw ng walang malay si Treece. Masyadong malalim ang tinamo nitong sugat. He lost so much blood also, and it was a miracle that he came alive. Pero ang sabi naman ng doktor kay Natasha ay stable na ang kalagayan nito.

"Sa magbabarkada, si Treece ang pinakasuplado at mainitin ang ulo, bukod kina Hogan at Axyll. Pinaglihi ata yan sa bulkang laging nagaalburuto" Lumingon siya kay Cloud na kasalukuyang nakaupo sa couch. Katabi nito si Seven. Nagpa-iwan ang mga ito matapos magpaalam ng ibang mga kaibigang bumisita kay Treece.

"Pero kahit ganyan ang ugali ng monster na yan, the boys still respect and idolize him. That's because they know kung ano ang pinagdaanang hirap ni Treece noon and they salute him for being brave back then up to now," sabi pa nito.

Tumayo at lumapit si Cloud sa kinaroroonan niya.

"Anong ibig mong sabihin?" She stared at him curiously.

"He's a bastard of his mother. Hindi siya tunay na Faustus, Nat," sabat naman ni Seven na nakaupo pa rin sa couch habang nagbabasa ng magazine.

"His step-father treated him like he was the biggest mistake in the world. It was one hell of a childhood for him. But later on, Tito Ferdinand started to accept and treat him like his own son." Humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago nagsalita ulit. Sa mga puntong iyon ay nakatingin na ito sa kinaroroonan nila. "Pero nakakalungkot lang isipin dahil kung saan nararamdaman na niya that he's no longer an outcast in the family, ay doon naman namatay ang ama niya."

Malungkot na tinignan niya si Treece. Hindi niya alam iyon. Ang totoo niyan ay wala naman talaga siyang gaanong alam tungkol dito.

"Someone killed him," Cloud informed her.

Nanlalaki ang mga matang bumaling siya kay Cloud. "P-pinatay ang ama niya?"

"Yes. Pinatay mismo sa harapan niya."

Napasinghap siya. Hindi niya akalain na may ganitong kahapon si Treece.

Cloud gazed at Treece and sighed.

"At ang pumatay sa ama niya ay ang mismong ina niya."

Her mouth fell open and horror popped out of his face. Tears started to shine in her eyes. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.

Mas matindi pa pala ang pinagdaanan nito noon kumpara sa kanya.

"After her mother did it..." Cloud glanced up at the ceiling. "she took her own life and Treece witnessed that bloody scene with his own bare eyes."

And there, the tears that she tried to fight back automatically fell to her checks.

"Oh, God. That was so tragic," nanginginig niyang sabi habang mahigpit na hinahawakan ang kamay nito. "Now I know why it is so hard for him to give trust and love to anyone. That's because he was scared, Cloud. He was scared inside," aniya at hinaplos ang buhok nito.

Tumango-tango ito. "Yeah. He was scared that he might end up with the same fate as his parents, hence, he never let himself be attached to any woman. He's not fond of commitment and mutual relationships. Hanggang pre-stage lang ang gagong 'yan. And because he's desperate to keep his heart safe in the vault, he created such rules that'll help him to avoid any circumstances like falling in love, and so far, he succeeds."

LPS: Wild Obssession (Completed)Where stories live. Discover now