Chapter 17

12.4K 271 15
                                    

Chapter 17

HALOS hindi maipinta ang mukha ni Natasha habang nakaupo sa counter ng mini-bar at klarong nakikita ang magiliw na pakikipag-usap ni Treece sa mga babaeng lumalapit dito.

"One Martini, please," bungad niya sa bartender.

"Yes, ma'am."

"The real one," dagdag niya. Natigil naman ang bartender at makahulugang tumitig sa kanya. "You hear me? I said give me a Martini. The real one." Bigla siyang nairita sa naging reaksyon nito.

"Right away, ma'am!" anito at kumilos kaagad.

"That's hard. Dalawang glass niyan knock-out na 'ko," anang lalaki na tumabi sa kanya sa counter. "Would you mind?" anito na ang tinutukoy ay pagtabi nito sa kanya sa kinauupuan.

"I don't mind," bore to death niyang sabi.

Ngumiti naman ito. "I'm Callahan and you must be Natasha, right?" Inabot nito ang kamay sa harapan niya.

Ilang segundo muna niyang pinakatitigan iyon bago tinanggap. "Ako nga."

"Sigurado akong hindi ako ang unang nagsabi nito sayo ngayon, but either way, gusto ko pa ring sabihin sayo na napakaganda mo," pagkasabi ay dinala nito sa bibig ang kamay niya at dinampian ito ng isang banayad na halik.

Kaagad niyang binawi ang kamay at pilit na ngumiti dito.

The guy was handsome. Mapupungay ang mga mata nito, matangos rin ang ilong, at maganda rin ang tabas ng mukha. Kung hindi lang maitim ang buhok nito aakalain niyang may dugong banyaga rin ang isang 'to.

"Thank you," aniya at nilipat ang tingin sa unahan.

"Here's your Martini, ma'am," anang bartender pagkalapag ng in-order niya sa kanyang harapan.

Isang tango lang ang isinukli niya dito.

"You think you really can manage yourself after drinking that?"

Tinignan niya ito. "I'm not sure. But, I would be grateful to you if you spared me some hands kapag tinamaan na 'ko."

Sumilay ang napakalawak na ngiti sa mga labi nito. "Sure, that would be a great honor for me."

"No problem then."

Akmang iinumin na sana niya ang wine ngunit may mabilis na kamay na pumigil sa kanya.

"Don't drink."

Nilingon niya ang pangahas na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa kanyang pupulsuhan.

Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng tumambad sa kanya ang napakadilim na mukha ni Treece.

"T-Treece?"

Lumipat ang kamay nito sa kanyang braso at marahas siyang pinatayo. "I don't want to see you littering around because of your bullshit."

Matagal bago niya na-absorb ang mga sinabi nito.

"Who gives a shit?" aniya sabay bawi ng braso niya. "Teka lang. Ba't ba bigla-bigla ka na lang nangingialam, ha? Pwede ba, pumunta ka na do'n sa mga ka-fling mo at hayaan mo na 'ko dito."

Lumapit siya sa kay Callahan at inakbayan ito na ikinagulat naman ng lalaki.

"Besides, I already have someone who will take care of me this evening. His name is..."

Tinignan niya si Callahan at waring hinihintay na ito ang dudugtong sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Callahan," anito at tumayo. Pinulupot nito ang kamay sa baywang niya at inilapit siya sa katawan nito at hindi niya 'yon inaasahan. But she goes with the flow. Alam niyang sinasabayan lamang siya ni Callahan.

LPS: Wild Obssession (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant