Chapter 19

13K 301 21
                                    

Chapter 19

NG MAKITA ni Natasha sa garahe ang kanyang kotse ay kaagad niyang hinanap si Treece upang magpaalam na uuwi na.

Pagkapasok niya ng sala ay eksakto namang humahakbang ito pababa sa hagdan habang inaayos ang wrist buttons ng polo nito habang ang waistcoat ay nakapatong sa malapad nitong balikat.

Nahinto siya sa paglalakad.

Bigla na namang kumabog ng kay lakas ang puso niya.

Sa mga paningin niya mukha itong prinsipe na bumababa sa isang grand staircase upang salubungin ang prinsesa nitong masiglang nag-aabang sa ground floor upang maka date ito sa isang engrandeng ball party.

At siya ang prinsesang iyon na matyagang naghihintay dito.

Tsk. Gustuhin man niyang manatili habang buhay sa piling nito ngunit batid naman niyang salungat naman ang gusto nito sa buhay.

Kaya hindi na siya mabibigla pa kung hindi paman siya nakakahingi ng permiso dito'y nasa labas na siya ng bahay nito.

Hindi naman po kasi siya manhid upang hindi maramdaman na diring-diri ito sa ideyang naroroon siya ngayon.

Bumalik sa realidad ang ispirito niya ng maramdamang may mabigat na daliring pumitik sa kanyang noo.

"Stop daydreaming, especially if I am the main subject of your fantasy. Nakakakilabot lang kasi," sabi ni Treece habang magkasalubong ang kilay na nakatayo sa harapan niya. Halatang naaalibadbaran sa kanya.

Baliktad naman ang emosyong pinakita niya dito. She gave him the sweetest smile she ever wore.

"Duh, pati ba naman pagpapantasya ko sayo pagbabawalan mo? Asan naman ang justice doon?"

He gave her a disgusting smile. "Hindi kita pinagbabawalan. Pero ang kinababahala ko lang ay baka niri-rape mo na 'ko diyan sa utak mo."

"Oi, Madame Auring, ikaw ba yan?" kutya niya sabay ngisi.

Umikot ang mga mata nito. "See? Kaya isa kang malaking banta sa buhay ko."

"Kaya ba pinapasok mo ko sa bahay mo?"

Nakipag sukatan siya ng tingin dito.

"Alam mo, bahala ka. Masyadong mahal ang oras ko para makinig sa mga nonsense na lumalabas dyan sa bunganga mo," pagkasabi ay nilampasan siya nito.

"Teka, pwede na ba akong umuwi? Panigurado, gustong-gusto mo na 'kong umalis dito." She frowned. "Tsaka, katulad mo, may negosyo rin akong kaylangan patakbuhin."

Bigla itong tumigil.

Pagkuwa'y bumalik ito sa harapan niya at pinakatitigan siyang mabuti.

"Stay. I want you to stay here... for a while."

Her mouth dropped open and her eyes became wide because of surprise.

She looked remarkably nonplussed at him.

"B-bakit?"

He eyed her coldly before he spoke.

"Dahil gusto ko at kapag sinabi kong dito ka lang, dito ka lang," ma-awtoridad nitong sabi.

Inilapit nito ang mukha sa kanya.

"At kapag nalaman kung lumabas ka sa gate na yan..." Tinuro nito ang lokasyon ng gate. "hinding-hindi ka na makakabalik dito kahit paman na magmakaawa ka," anito sabay layo sa kanya at humakbang palabas ng bahay.

Siya naman ay nanigas sa kinatatayuan.

Holy mother of cows! Tama ba lahat ng narinig niya?

Did she hear that he wanted her to stay?

LPS: Wild Obssession (Completed)Where stories live. Discover now