Chaper 18

14.1K 291 18
                                    

Chaper 18

HINDI niya ini-expect na mapapa-aga ang pagtungtong niya sa pamamahay nito sa ikalawang beses at ang nakakaloka sa lahat ay ito mismo ang siyang nagdala sa kanya do'n.

How amazing was that for her.

Iniisip pa lang niyang buong gabi niya itong makakasama sa iisang bubong ay hindi na magkandauga sa pag panic ang mga dagang nasa dibdib niya.

Ng makapasok siya sa loob ng malawak nitong sala ay kaagad siyang umupo sa sofa.

"Mr. Faustus, did you bring me here just because you wanted me to accompany you tonight?" nang-aakit niyang tanong na ikinatigil naman nito sa paghakbang paakyat sa mala spiral nitong hagdan.

"I swear. I'll try to be a good mate to you," tudyo niya.

Walang emosyong lumingon ito sa kanya.

"Huwag kang mag-ilusyon. I brought you here because someone forced me," anito sa malamig na boses.

Pinagkrus muna niya ang dalawang hita, kaya naman lumantad sa paningin nito ang makinis at maputi niyang balat, bago siya nag umpisang magsalita muli.

"Si Tayrah pa rin ba?" Ngumisi siya. "She really knows how to lighten things for me. That's why I love her."

Hindi ito umimik.

Nakapako lamang ang atensyon nito sa nakalantad niyang mga hita. Nakita pa niya kung paano gumalaw ng bahagya ang adam's apple nito.

"Do you like it?"

Umangat ang tingin nito sa kanya.

"Like what?"

Itinaas niya ng kunti sa ere ang kanyang binti. "This beautiful scenery," aniya sabay ngisi.

Tinaasan lamang siya nito ng kilay.

"You're not just crazy, you're a smug woman also," pagkasabi ay nagsimula na itong humakbang.

Dali-dali naman siyang tumayo at sinundan ito.

"Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo. Bakit ba ipinagbilin ako ni Tayrah sayo ha?"

Hindi ito sumagot.

"At mukha na bang end of the world, bukas kaya ka pumayag?"

Still not getting an answer.

"Tsaka, bakit dinala mo ko sa pamamahay mo eh hindi naman ganun kalayo ang distance ng bahay ko sa venue ng party ah? You can bring me home as fast as you can."

Wala pa rin itong imik.

Ng makarating sa 3rd floor ay lumiko ito sa isang malawak na pasilyo.

"Huwag mong sabihin dahil tinatamad kang ihatid ako? Sana naman bago mo ko kinaladkad papasok sa kotse mo, tinanong mo muna ako kung may dala ba kong kotse o wala. And for your information, merun po kasi akong dalang sasakyan at kaya kong ipagmaneho pauwi ang sarili ko."

Tumigil ito sa isang malapad at mataas na pinto. Pinihit nito ang seradura at pumasok sa loob.

Akmang isasara na sana nito ang pinto ngunit mabilis pa sa alas-kwatro niyang iniharang ang kamay dito.

LPS: Wild Obssession (Completed)Where stories live. Discover now