Chapter 28

15.3K 293 11
                                    

Chapter 28

NAPANGITI si Natasha ng mabungarang nakayakap sa kanya si Treece habang mahimbing na natutulog.

Humarap siya dito at masuyong hinaplos ang malambot nitong pisngi.

"I love you, Treece," bulong niya at kinintalan ito ng banayad na halik sa bibig.

"God. I hope this will last long. I hope this isn't a dream. That you and me together right now is real." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. "I don't want to lose you, Treece. Please..." Napapikit siya. "let me be with you, always."

Napadilat lamang siya ng tumunog ang doorbell na bahagya niyang ikinagulat.

Dahan-dahan niyang iniangat at inilayo ang braso ni Treece sa katawan niya upang malayang makabangon pero maagap nitong hinapit ang kanyang beywang at iniusog siya pabalik dito.

"Stay here," he whispered in his bedroom voice.

"Someone's outside. Let me check it for a jiffy, okay?"

Umiling ito. "Don't leave. Dito ka lang sa tabi ko," anito habang nanatili pa ring nakapikit.

Napangiti siya. "Treece, hindi naman ako aalis e. Titignan ko lang kung sino ang nasa labas. Baka importante," malambing niyang sabi habang hinahaplos ang mukha nito.

Doon na ito dumilat at mariin siyang tinitigan. "Okay, balik ka agad. I still want to hug you for eternity."

Kinilig siya sa mga narinig kaya mabilis niya itong hinalikan na malugod naman nitong tinanggap.

"I will, handsome."

Tumayo siya at naglakad palapit sa pinto. Pagbukas niya ay tumambad sa kanya si Caroline na nakapag-krus ang mga braso sa dibdib at halatang aburido.

"So, you left me in there last night, uninformed and fled away with him." Tumaas ang isang kilay nito. "Is that right?"

She shyly nodded. "Sorry, Caroline. Bigla nalang kasi nawala sa isip ko na kasama pala kita kagabi."

"I don't have any problem with you leaving me behind as long as you tell me your agenda and who's with you."

Nabanaag niya ang pagtatampo sa tono nito na ikinanguso niya.

"I tagged along with you on this island, not just because you asked me to Nat..." She paused.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong niya. Bakas ang pagtataka sa boses.

"I'm sorry. Kung may sisisihin man sa lahat, ako iyon," ani ni Treece na bigla na lamang lumitaw sa paanan niya.

"Treece?" Nilingon niya ito.

"I'm responsible for everything and I apologize that I kept you worried concerning Natasha's whereabouts, but I assure you that no harm was done," anito at inakbayan siya.

Bumaling siya kay Caroline na kasalukuyang titig na titig kay Treece. At doon niya namataan na tanging boxer, lamang pala ang suot nito.

Mabilis niyang iniharang ang katawan sa harapan ni Treece upang itago ito sa likuran niya at doon lamang napakurap-kurap si Caroline.

LPS: Wild Obssession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon