Part 8

5.8K 155 2
                                    

SHE HAD been kissed.

Kung ilang beses na inulit ni Scarlett sa sarili ang pangungusap na iyon habang nakatitig siya sa salamin ay hindi na niya matandaan. There she was at the confinement of her luxurious bathroom, buhat nang makita ang sariling repleksyon sa floor to ceiling mirror ay hindi na siya tuminag doon. Maging ang mga mata niya sa wari ay hindi na naalis sa pagkakapako sa pagtitig sa partikular na bahagi ng kanyang mukha.

Sa kanyang mga labi.

At tila hindi pa sapat na titigan iyon at umangat ang kanyang daliri at dinama ang mga labi. It was a bit swollen. And so sensitive. Bahagya pang lumayo ang daliri niya nang sa bahagyang paghaplos doon ay tila siya nakuryente. God, she could still feel his kiss.

At dahil tila hindi matanggap ng kalooban niya na ibayong kasiyahan ang naramdaman niya sa halik na iyon na iyon ay padaskol niyang pinahid ng likod ng palad ang mga labi. Talagang diniinan niya—na para bang sa ginawa niyang iyon ay mabubura ang halik na nangyari.

Pero sino ang lolokohin niya? Hanggang sa mahiga siya sa marangyang kama at tumitig sa inarkitektong kisame ay hindi naman nawala sa isip niya ang halik na iyon. in fact, tanging ang bagay na iyon ang nakatimo sa kanyang isip.

Napapikit siya. At gusto na lang niyang tumawa sa natuklasang pumikit man siya o dumilat, ang halik na iyon ang nakikita niya.

"Shit! Shit!" inis na wika niya.

Bumangon siya uli at bumalik sa banyo. Inabot niya ang toothbrush at ilang sandali pa ay nagsepilyo. She brushed her teeth vigorously. At mas lalo na ang mga labi niya. Kahit nasasaktan ay hindi niya iyon tinigilan hanggang sa tila mamanhid na ang mga iyon.

Isang paghinga ang pinakawalan niya. Gusto niyang isipin na sa ginawa ay nabura na rin niya ang lahat ng pakiramdam na naantig sa kanya ng halik na iyon.

At wala siyang niloloko kung hindi ang mismong sarili niya.

"Damn!" pikon na pikon na wika niya.

Nahagip ng mata niya ang mga bagay na initsa lang niya kanina. Kinuha niya ang VCD at ipinasok iyon sa player. She felt she needed that. Kailangan niyang magkaroon ng pagbabalingan ng atensyon upang hindi na siya ligaligin ng alaala ng halik na iyon.

Ilang sandali pa ay nakarehistro na sa flat TV screen ang hubad na babae at lalaki. Ginagawa ng mga iyon ang mga bagay na gusto niyang matutuhang mabuti kung paano nga ba ginagawa. And for the next minutes, talagang nakabuhos doon ang buong atensyon niya.

Then she remembered the kiss again. And the man who kissed her. Si Rod.

At bigla na lang ay tila tinablan siya ng pinapanood niya. The woman was aggressive. She was the one who do the act—the kind of sex using her mouth and tongue to the man's member.

"Shit! Shit!" Nagtatagis ang mga bagang niya na inabot ang remote control at ini-off ang player. Without wasting a second, tinungo niya ang banyo at naligo.

Pero tila hindi siya nagkaroon ng kapayapaan. She felt edgy than ever. Ngayon ay hindi lang ang halik ni Rod ang bumabagabag sa kanya kung hindi pati na rin ang napanood niya.

Nag-isip siya. hindi puwedeng ganito ang nararamdaman niya. Talo siya kapag ganito. At hindi yata siya papayag na matalo. Sa tuwing inaalaska siya ni Rod, sa tuwina ay napipikon siya. Ngayong pinangahasan siya nitong halikan at hindi siya mapakali, ibig sabihin ay talo na naman siya.

"No," she said aloud. At pagkuwa ay napangiti sa biglang pumasok na ideya sa isip. "Why not?" At lumuwang pa ang ngiti sa naisip. "I'm gonna use that kiss to my advantage."

Masigla na ang pakiramdam niya nang kumilos uli. Inipon niya ang mga librong babasahin. Nang buklatin niya ang mga iyon, buo na rin ang konsentrasyon niya sa pag-absorb sa mga impormasyong naroroon.

At hindi nga siya nagkamali. It became easy to picture the suggestive scenario. The Art of Kissing. Mabuti na lang at isinama niya ang librong iyon sa inorder niya sa internet.

And now, she was purposely remembering Rod's kiss. Napangiti siya. Wala naman pala siyang dapat na ikagalit sa nangyari. Ang nababasa niya ngayon sa libro ay hindi malayo sa halik na pinagsaluhan nila. In fact, it was the theoretical, clinical description of a kiss. And with Rod, the kissed seemed exactly the same. Mayroon nga lang kaunting feelings.

"Of course, there's a little feeling. Siyempre, I'm human. Buhay at gumagalaw. I must be a corpse kung wala akong naramdaman," bigay-justification niya sa sarili. Itinuon niya muli ang atensyon sa pagbabasa. "Hmm, pag ginamit ko kay Chad ang natutuhan ko ngayon, there'll be more feelings."

Positibong-positibo ang pananaw niya. Kapag ginawa niya kay Chad ang first step of seduction, alam niyang magtatagumpay siya. Napakadali lang ng gagawin niya. pagsasamahin lang niya ang nabasa niya sa libro at ang ginawang paghalik sa kanya ni Rod and voila! Chad would be hooked.

- itutuloy - 

Wedding Girls Series 04 - SCARLETT MARIE - The FloristOnde as histórias ganham vida. Descobre agora