Part 5

6.4K 146 5
                                    

"HI!"

"Hi yourself," matabang na sabi niya sa binatang nasa harapan na niya. "Wala si Mama nasa Hong Kong. Si Papa nasa London. Next week ka na bumalik, Rod. Iyon ang schedule ng uwi ni Mama. Magkikita yata sila sa Hong Kong then sabay na silang babalik dito."

Buong kompiyansang naupo si Rod sa kaibayong upuan ng garden set na siyang inookupa niya. "Ganyan ba naman ang tamang pag-estima sa bisita, Miss Formilleza?" Mas lamang ang panunudyo kaysa pagsumbat sa tinig nito. "Hindi mo man lang ako pinaupo muna. Naligo naman ako, ah? Nag-toothbrush at nag-mouthwash din. Kung magsalita ka, para namang mamamalimos ako dito."

Iniarko niya ang kilay. "Alam naman nating pareho na hindi ka na bisita sa bahay na ito. At puwede ba, Rodelio, huwag kang magsalita na mukha kang nakakaawa. Sa itsura mo pa lang—o sa amoy mo pa lang, kahit ignoramus ay hindi mag-iisip na pulubi ka." Dumukwang siya dito nang kaunti. "Ano iyang amoy mo ngayon? Ferrari?"

He grinned. "Exactly. I'm driving a Ferrari this time so I might as well spray some Ferrari on my throbbing points."

Napahumindig siya. "Que barbaridad! Kaya nga ba wala akong interes na makipag-usap sa iyo. Kahit kailan, hindi ka makakausap nang matino. Look... look at you! Hindi ka lang mayabang. M-malisyoso pa!"

Tumawa nang suwabe si Rod. "Nasaan ang malisya? I'm stating a fact. Ikaw ang nagbibigay ng malisya sa sinabi ko."

"Throbbing points! Do... do you know what throbbing means?"

Ikinibit nito ang mga balikat. "Beating. Pulsing."

"Yes, that. Pulsing. Kapag pabango ang pinag-uusapan, pulse points ang term not throbbing."

"Kung magkakapareho ang kahulugan, there's nothing wrong with my term throbbing. Alam ko naman kung bakit ka naeeskandalo." Without any warning, ginulo nito ang salansan ng libro na nasa harapan niya. "Naapektuhan ka ng mga binabasa mong iyan."

"Rodelio!" singhap niya pero bago pa niya magawang hamigin ang mga libro ay alam din naman niyang nabasa na ng binata ang mga titulong iyon.

"101 Nights of Grrreat Sex, 101 Nights of Romance both by Laura Corn, Light His Fire by Ellen Kriedman, Secrets of Seduction by Brenda Venus... The Art of Kissing... Iyan, dahil sa mga libro na iyan kaya kapag nakarinig ka ng throbbing, I'm sure iba ang pumapasok sa isip mo."

Pinamulahan siya ng mukha. At gusto niyang isipin na dahil iyon sa pagkapikon dito kaysa sa kahihiyan na nabisto nito ang mga uri ng libro na pinagkakaabalahan niya.

"Wala kang pakialam," mataray na sabi niya. "I'm twenty-six years old. Walang batas na magbabawal sa akin na basahin ang mga librong gusto kong basahin."

"Yeah, right," kaswal na tugon ni Rod pero sa mga mata ay naroroon ang tila panunudyo sa kanya. "Nakakaaliw lang malaman na interesado ka pala sa mga ganyang paksa. Hmm, sex and romance. Maybe you want some more reads. May subscription ako ng Playboy. Ipapahiram ko sa iyo kung gusto mo."

"Puwede ba? Sarilinin mo na lang iyang Playboy mo. These books, educational and informative ito, 'no! Hindi ito pornographic."

"Uh-oh, wala naman akong sinabing pornographic iyan, ah? And besides, Playboy isn't pornographic. It's a politically-oriented magazine. May centerfold as we all know pero, Calett, pang-merienda lang namin iyon kumbaga after reading mentally-exhausting conspiracy about famous personalities in the world."

Umungol siya. "Huwag mo nang bigyan ng justification ang Playboy magazine mo, Rod."

"I'm thirty-three years old. Hindi ko pagkakaabalahang bigyan ng justification ang pagsu-subscribe ko ng Playboy. Tell you what, I also have some Hustler. Iyon, hardcore talaga iyon."

Wedding Girls Series 04 - SCARLETT MARIE - The FloristΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα